Quinn- Wings of Demacia

70 7 0
                                    


Tulog na tulog pa rin silang apat.

Ako naman ito nandito sa gilid nag iihaw ng pang-ulam namin mamaya. Nalinisan ko na rin ang mga tent namin at lahat ng basura ay nailagay ko na sa tamang kinalalagyan.

Ang taas ng energy ko ngayon hindi ko napapansin ang tama ng ininom naming alak.Kumakalat ang mabangong usok galing sa iniihaw kong karne dahilan para isa sa kanilang apat ay bumangon.

"Jay, anong niluluto mo?" sabi ni Billy.

"Ahhhh, ikaw pala yan Billy akala ko kung sino na tumawag sa akin haha." sagot ko.

"Bakit sino ba inaantay mong magsabi ng pangalan mo? " Seryosong mukha ni Billy habang nakatingin sa niluluto ko.

Oo nga no? Sino ba ang inaantay kong tumawag sa akin? Bigla akong naguluhan at naseryoso.

"Ano ka ba biro lang, matagal pa ba yang iniihaw mo?" Nakangiting sabi sa akin ni. Billy.

"Oo, Gutom ka lang kaya kung ano-ano pinagsasabi mo dyan." pagbibiro ko kay Billy.

"Wow Jay, ang Linis ng paligid natin oh. Ikaw naglinis nito?" gulat na sabi sa akin ni Billy.

"oo naman, bawal ba?" nakangiti kong pagmamayabang kay Billy.ngumiti lang si Billy at hindi na sumagot.

"Anong oras na ba Billy?" tanong ko kay Billy.

"Malapit na mag 9pm." sagot ni Billy.

"Gisingin ko na kaya sila. Ano sa tingin mo Billy?" Tanong ko kay Billy.

"Ikaw bahala, sayang naman kasi netong niluto mo kung walang kakain." sagot sa akin ni Billy pero ang totoo kaya nya ubusin yun ng mag-isa lang haha.

Lumapit ako kay Gem at nakita kong walang damit si Gem. Nakita ko ring walang damit si Quinn.

Kinakabahan ako pero para kanino itong kaba na ito?Imbes na mag-isip ako ng kung ano-ano ay pumunta na lang ako sa tent para kumuha ng damit nila.Nagulat ako pagbukas ko ng bag ni Quinn dahil may nakita akong tiwala. (Condom)Hindi ko na lang pinansin masyado. Dedma na lang ako.Matapos kong kumuha ay bumalik ako sakanila at saka sila ginising.Hindi pa rin sila gumigising kaya naisipan kong pagtripan sila.

Ang kamay ni Gem ay nilagay ko sa bukol ni Quinn at ang kamay naman ni Quinn ay nilagay ko sa bukol ni Gem.mga ilang minuto lang ay sabay silang gumalaw at pinisil ang bukol ng bawat isa na syang nagpagising sa kanilang lahat.

Haha! Nagulat sila dahil doon Hahaha!.

"Hoyyy! Bakit mo hawak ang ano ko!? Gulat na tanong ni Quinn kay Gem habang hawak ni Quinn ang damit nya

"Gag* ka ba Clyde???? Ikaw nga itong pisil ng pisil ng ano ko ehhh." Gulat na sagot din ni Gem.Hahaha! natatawa lang ako sa mga nakikita ko pero binasag ko ang moment nila.

"Bangon na kayo dyan nakapagluto na ako." Sabi ko sakanilang dalawa.

Si Kuya Ben tulog na tulog hindi na namin ginising kasi pagod din sya kakadrive sa amin.Habang nasa mesa kami ay magkasalubong pa rin ng tingin si Gem at Quinn. Hindi pa rin nila tanggap na hinawakan nila ang isat-isa hHahaha.

Uupo na sana ako sa tabi ni Gem ng biglang

"Bro, dito ka maupo sa tabi ko. Mahilig yang mangghost." sabi ni Quinn.

Tatayo na sana ako ulit ng biglang sumandal si Gem sa braso ko.

Biglang tumibok ng mabilis ang dibdib ko kaya hindi ako nakabangon.

BRO Lag Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon