AD Carry: Quinn

32 2 0
                                    

"Bro, okay lang kayo?" tanong sa amin ni Quinn.

"Okay lang pero hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kanina." sagot ko kay Quinn.

"Gem ikaw?" Sabi ni Quinn kay Gem.

Hindi lang nagsalita si Gem kahit na hindi naman sya nakasuot ng headphone. Naglalaro kasi kami ngayong gabi dito sa Computer shop. Hindi ko alam ang dapat kong gawin para maging masaya si Gem. 

Hindi ko lubos mawari na ganito na naman ang nangyayari kay Gem.

"Gem, ikaw magjungle gusto mo?" sabi ni Quinn kay Gem habang tumatawa.

Hindi pa rin nagsalita si Gem kaya nagsalita ulit si Quinn.

"Okay alam ko naman kasi na ayaw mo. Hindi mo kasi kayang magjungle lane." Sabi ni Quinn na para bang iniinis si Gem.

"Anong hindi, ikaw nga itong mahina mag ADR/ADC (marksman) sa atin eh." Naiinis na sagot ni Gem kay Quinn.

"Uyyyy, nagsalita ka na?" nagulat kong sabi kay Gem.

"Sabi na eh hahaha." sabi ni Quinn.

Alam na ni Quinn kung ano ang gagawin nya kapag may ganoon na nangyayari kay Gem. Matagal na kasi silang magkaibigan. Napangiti lang ako sa nangyari ngayon kasi magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

Sana kaming dalawa ni Quinn maging ganyan rin katagal ang friendship namin at ganyan katatag.

Habang naglalaro kami ay paunti-unting naging okay na si Gem. Binalita rin namin kay Quinn na kakanta ako sa WISH 107.5.

Biglang sumigla si Gem dahil doon pero cold hearted pa rin sya. Parang walang kakilalang iba ako lang hahaha.

Hindi nya masyado pinapansin mga tao sa paligid namin gaya ng nakagawian nya haha.

Habang nagsasaya kaming lahat ay biglang may pumasok na masamang hangin.

May bumukas ng pinto at nakita namin na ang mga dating kaibigan nila Quinn at Gem ang pumasok.

"What's up men, kamusta na kayo? Balita ko nagpapractice na kayo hahaha." Pang-iinsulto ni Joseph sa amin.

Hindi lang kami nagsalita dahil ayaw namin ng gulo. Kasama ni Joseph sila Clint, Demi at iba pa. Tumatawa silang lahat habang nang-iinsulto ang kasama nilang si Joseph.

"Huwag ngayon Joseph ah" Sabi ni Gem.

"Ohh, bakit nagagalit ka? Come on dude" Sabi ni Joseph.

Tumayo si Gem para saktan si Joseph pero kinontra sya ni Quinn.

"Tama na Gem." Sabi ko.

"Tingnan na lang natin sa laro kung talagang may ibubuga yang mga sinasabe nyo." Sabi ni Gem.

"Sige, pero ang matalo bugbog sarado, ano deal?" pagmamayabang ni Joseph.

Tahimik lang na tumatawa ang apat nyang kasama. Dalawa sa kanila ay si Demi at Clint.

Ang dalawa ay hindi ko kilala tumatawa rin. Nakakainis na pero wala ako sa mood makipag-away ngayon.

Umupo na kaming lima ni Kuya Ben, Gem, Quinn at Billy para sa 5v5 na laro.

Kalaban sina Joseph, Clint, Demi, at ang dalawa pa nilang kasama na hindi namin kilala.

"The Gameeee Begin!!!!" Sabi ni Kuya Ben.

Nagsimula na ang mainit na labanan naming dalawang grupo. Hindi ko makita ang pagiging tilted kay Gem dahil mas kita ko ang pagiging determinado ni Gem sa laro ngayon. 

BRO Lag Ako!Where stories live. Discover now