Epilogue.

243 4 0
                                    

Date Published: October 13, 2021

HENRICKA

Tapos na kaming kumain at nandito kaming lahat ngayon sa may sala habang nakikipaglaro sa mga bata.

"Ang cute ng mga bata talaga. Hindi tuloy ako makapag-hintay para makita maipanganak ang anak ko," komento ko.

"Just wait for it, jagiya. You need to be healthy first," sabi naman ni Herald sa 'kin.

"Sana maging magkakaibigan din silang lahat dahil ayokong maging magka-away sila," komento ko pa.

"Yehey! Another baby sibling," sabi ni Vash. Anak siya ni Kuya Vidal at ngayon lang siya dumating dahil sa kakagising niya pa lang.

Hinawakan niya ang tiyan ko at hinaplos 'yon ng marahan. Nakangiti siya ng malaki at natuwa ng todo.

"Kumusta pala kayo, kuya?" tanong ko kanila Kuya Ark. Napansin ko kasi na nagce-cellphone lang sila sa pwesto nila.

"We're fine, Henricka. Maraming trabaho pero, nakakapag-pahinga pa naman kami," sagot ni Kuya Ark.

"Kakauwi ko pa lang mula sa Canada. Ayoko sanang umuwi dahil sa dami ng gawain saka, ayoko ding iiwan ang asawa ko doon kaso, sabi ni dad ay may ipapakilala daw siya sa 'kin," sagot ni Kuya Vidal.

"And, yeah... I'm happy to meet you, little sister," dugtong niya pa.

"Pasensya na kung umuwi ka dito nang wala sa oras dahil sa 'kin, kuya," sagot ko naman. Umiling siya sa 'kin.

"Don't worry, it's fine. Soon, I'll introduce you to my wife and to my other child," sabi niya pa at natuwa ako.

"My baby brother can't go here yet, auntie. Because he needs mommy for milk," komento naman ni Vash.

"Naintindihan ko," simpleng sagot ko. Lumapit naman sa 'kin ang iba pang mga bata at tuwang-tuwa.

"Auntie, next time let's play po. But for now, we'll be taking good care of you," sabi ng isa pang bata. Natuwa naman ako.

Kinuha ko 'yong cellphone ko nang nag-vibrate 'yon saka, sinagot na ang tawag ni Nebby sa 'kin.

"Miss, pasensya na po sa istorbo pero, may naghahanap po sa inyong taga-Aldous dito," sabi niya.

"Sino po 'yong nagha-hanap sa 'kin? Saka, ano po ang kailangan sa 'kin?" tanong ko. Wala na akong ibang kakilala sa Aldous maliban na lang kanila dad.

"Si Mr. Alphonsé Aldous po, miss," sabi niya.

"Alphonsé Aldous? Ano ang kailangan niya sa 'kin? Hindi ko siya kilala." Napatingin sila Kuya Vidal sa direksyon ko.

"Sabi niya po ay in-adopt ka po kasi ni Mr. Vaughn kaya gusto po niya na makilala ang bago niyang pinsan," sagot niya.

"Ahm... Okay? Sa susunod ko na lang po siyang kikilalanin kasi dito muna ako sa bahay para makapag-pahinga muna," sagot ko.

"Sige po, miss. Ako na ang bahala kay Mr. Aldous dito. Sabihan ko po siya tungkol diyan," sabi niya.

"Salamat po, Nebby. Pupunta ako diyan okay na ako," sabi ko naman.

"Naiintindihan ko po na buntis kayo ngayon, miss. Kami na muna ang bahala dito muna," sagot niya naman. Binaba na niya 'yong tawag.

"What does Alphonsé want from you?" kunot noong tanong ni Kuya Ark.

"Sabi ni Nebby ay gusto niya daw pong makilala ang bago niyang pinsan," sagot ko naman. Napabuntong hininga na lang sila.

"News is really spreading so fast. Can't believe that the others will know about this," komento ni Kuya Ark.

"I'll talk to Alphonsé later. Para naman hindi ka niya ini-istorbo," sabi ni Kuya Vidal at tumango ako.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن