Chapter 7.

2.3K 29 0
                                    

Date Published: May 31, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Kanina pa kami nandito sa museum at naghi-hintay nang bumalik na sila Sir Herald at may kasama silang isang bagong babae.

Hindi na lang ako umimik nang yumakap si Ma'am San Marquez sa girlfriend ni Sir Alexandrei at pinanood na lang sila sa isang tabi.

Maya-maya lang ay lumapit si Sir Herald sa 'kin at ngumiti kaya ngumiti din ako pabalik sa kaniya.

"Masaya po akong ligtas kayo, sir," sabi ko.

"Pasensya na kung medyo awkward para sa 'yo 'to. Pinapunta lang kita dito para masanay ka sa mga susunod na business meetings dahil ganito din kasi ang gagawin," paliwanag niya.

"May kidnapan din pong mangyayari, sir?" Natawa siya ng onti at umiling.

"Hindi. Hindi. What I mean was, pupunta din tayo sa ibang lugar para doon pag-usapan ang ibang bagay about sa business," sagot niya.

"Ahh... Akala ko po may kidnapan din pong mangyayari eh," komento ko naman.

"No... But, you can go home now, Henricka. Para makapagpahinga ka na dahil balik trabaho na naman bukas," komento niya.

"Sige po, sir. Una na po ako," sagot ko.

"Wait. I'll take you to your car. Baka ikaw naman ang makidnap nang wala sa oras," komento niya. Natawa na lang ako at hinayaan na siyang samahan ako.

•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa harap ng sasakyan ko sa parking lot at tumingin ako sa direksyon niya pagkatapos i-unlock 'yong pintuan.

"Maraming salamat sa paghatid sa 'kin dito," sabi ko.

"Nakakahiya naman po, sir," dugtong ko pa. Natawa siya sa 'kin at umiling.

"May kidnapping na nangyari dito so, kailangang makasiguro na hindi ka maki-kidnap," sagot niya.

"Thank you po, sir. Una na po ako," sabi ko at tumango siya. Sumakay na ako sa loob ng sasakyan ko at pina-andar ko na 'yon at umalis na.

•*•*•*•*•*

Naka-uwi na ako sa condo at agad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang camera saka, tripod. Pagkatapos n'on ay pumunta na ako sa kusina at nag-record na ulit.

•*•*•*•*•*

Nagbe-bake ako ngayon ng cake gamit ang mga supplies na napalalunan ko. One year supply naman 'yon kaya talagang kukunin ko ang pagkakataon na 'to para mag-practice at gumawa ng madaming videos saka pagkain.

Napatigil ako mula sa pagluluto nang may kumatok sa pintuan ng condo kaya naman hininto ko muna ang pagre-record at sumilip sa peephole.

Binuksan ko 'yong pintuan nang nakita ko sila Gab sa labas kaya naman napangiti silang dalawa at natuwa din ako.

"Anong ginagawa niyo dito? May nangyari ba?" tanong ko sa kanila nang nakapasok na sa loob.

"Gusto ka lang naming bisitahin, Jenny. Kumusta ka? Ginugulo ka pa din ba ng mga magulang mo?" Huminga ako ng malalim.

"Sa totoo lang ay tumawag si Thea kanina at humihingi ng tulong dahil nahuli na naman daw siya ng pulis," sagot ko.

"Ano na naman ang nangyari sa kapatid mo?" tanong ni Cadiel.

"Hinuli sila kasi 'yong kaibigan niya ay nagda-drive kasi naka-inom. Pati siya hinuli kasi bakit hindi niya daw pinatigil," paliwanag ko.

"Aww... Hindi mo tinulungan?" Umiling ako.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now