Chapter 20.

1.9K 38 1
                                    

Date Published: June 12, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

"Kilala mo ba ang mga Elishda?" tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at napayuko. Hindi siya sumagot kaya hinintay ko siyang magsalita.

"Let's... Let's talk about them tonight, okay?" Tumango ako sa kaniya. Wala naman akong magagawa kung gusto niyang pag-usapan namin ang tungkol diyan mamaya eh.

"Let's talk about that later and I want you to focus more to your work for now," sabi niya pa. Tumango ako at pinagpatuloy na ang trabaho.

•*•*•*•*•*

Break time na at tumayo na ako para makakain sa labas. Wala si Herald ngayon dahil sa pupuntahan niya daw si Sir Alexandrei ngayon dahil sa wasted daw siya.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero, nang nakita ko siya kanina ay talagang wasted siya. Parang nakipag-break nga sa kaniya ang girlfriend niya eh.

Naglakad na lang ako palabas ng opisina at pumunta na sa elevator at pumasok doon. Pinindot ko na ang ground floor.

Habang naghihintay makapunta sa floor na pupuntahan ko ay agad kong napatingin sa pintuan ng elevator at nakita ko sila Moni at Kyle na pumasok.

"Henricka, break time din?" Tumango ako kay Kyle.

"Oo... Nagutom na kasi ako kaya bumaba na ako para makakain. Hindi pa nga ako nakapag-paalam kay Herald dahil sa wala siya eh," sagot ko naman.

"Hula ko ay maiintindihan niya naman kaya 'wag kang mag-alala," sagot naman ni Kyle at tumango ako. Tumingin ako kay Moni at ngumiti.

"Hello," bati ko. Nginitian niya lang ako at tumahimik na kami ulit.

"Kumusta ang baking business mo? Nasarapan si mama nang nakain niya 'yong ginawa mong cake," komento ni Kyle.

"Ayos lang naman at nakapag-patayo na din ako ng sarili kong store para p'wede na silang pumunta doon at kumain pero, open pa din kami for online delivery," sagot ko naman.

"Wow! Ang galing ah! Gusto kasi ni mama ulit na magpa-order. Mayro'n naman kayong social media, 'di ba?" Tumango ako.

"Mayro'n kami at ang pangalan ay Henricka's Café. Nasa page na din namin ang mga contact numbers, email, at ang address kung nasaan ang mga café namin," sagot ko.

"Sabihan ko si mama mamaya at ili-libre ko siya," pag-deklara niya. Natuwa ako sa kaniya dahil sa ramdam kong gustong-gusto ng mommy niya ang nakain niyang cake.

"Sama ka sa 'ming kumain?" pag-aya ni Moni sa 'kin. Napa-isip ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko 'yon.

From: Nebby
Miss, nandito po ako sa isang kainan na nasa tapat ng kompanya ng mga San Marquez. May gusto lang po akong sabihin sa inyo.

'Yan ang nakalagay sa text ni Nebby kaya naman nag-reply ako sa kaniya na papunta na ako.

"Pasensya na pero, hindi ako p'wede. May kikitain ako eh. Pero salamat sa pag-invite," sagot ko naman.

"Kumusta pala 'yong handwriting?" tanong ni Kyle.

"Ayos lang naman at pina-imbestiga na namin ni Herald. Hihintayin na lang 'yong resulta ng imbestigasyon," sagot ko.

"Mabuti naman kung gano'n. Sana naman kung sino man 'yan ay mahuli na siya para hindi ka na masiraan pa," saad niya.

"Sana nga lang, Kyle. Pati din kasi ako ay medyo naiinip na din pero, wala namang magagawa kundi ang maghintay," saad ko naman.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now