Chapter 4.

2.8K 40 0
                                    

Date Published: May 29, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Tumayo na ko mula sa inuupuan ko at binigay kay sir 'yung mga ginawa ko. Natapos ko siya within this day! My gahd! Nag-enjoy ako sa trabaho ko ngayon!

"Galing ah. Tapos agad," sabi ni sir at tumango-tango ako sa kaniya.

"P'wede ka nang umuwi, Henricka. 9 PM na. Overtime ka na," nakangiting saad niya at tumalikod na ko mula sa kaniya at inayos 'yung gamit ko at kinuha na 'yun.

"Thank you sir and, good-bye po," sabi ko at lumabas na ko mula sa opisina at sumakay sa elevator.

Pagkalabas ko sa elevator ay nakasalubong ko si Kyle na may hawak na mga files. Huminto ako sa harap niya.

"Nag-overtime ka rin? Ayos ah! First day pa lang nag-overtime agad." Natawa ako sa sinabi niya.

"Nag-enjoy lang ako kaya napa-overtime nang wala sa oras. Talagang ginusto kong tapusin agad eh," sagot ko naman sa kaniya.

"Bye na Kyle. Gabi na eh," sabi ko at tumango siya.

"Sige. Ingat ka ah," sabi niya at tumango ako. Naglakad na ako paalis at naghintay ng taxi para maka-uwi.

Nang may nakita na akong taxi ay agad akong sumakay at habang nabyahe ay nagpahinga na ko.

HERALD

11 PM na kong naka-uwi sa bahay at agad kong nakita sila hyung at Drew at naghahagisan ng icing. Seryoso? Kailan pa natutong makipag-batuhan ng icing 'tong lalaking 'to?

"Hyung!" sigaw ni Drew sa 'kin at pinahiran ako ng icing. Napabuntong hininga na lang ako dahil ayokong magalit sa batang 'to.

And besides, wala naman siyang ginawang masama dahil gusto niya lang makipaglaro sa 'kin. Lumuhod ako sa harap niya niyakap siya.

"'Wag kang masyadong makulit at pagod ako," bulong ko sa kaniya at tumango siya.

Tumayo na ako at naglakad pa-akyat sa kwarto ko. Binati ako ni hyung pero hindi ko siya pinansin. Pumasok na ko sa loob ng kwarto ko at agad humiga sa kama.

Napatingin ako sa tumawag at nakita ko 'yung pangalan ni Henricka. Simula kanina, nailabas ko sa kaniya lahat ng mga nararamdaman ko dahil alam kong magkatulad kaming dalawa.

Sinagot ko na 'yung tawag niya at narinig kong nahikbi siya. Napa-upo ako agad sa kama ko.

"M-may problema ba?" tanong ko agad sa kaniya.

"Pasensya na sir kung tumawag ako nang walang dahilan. Pero hula ko po hindi ako makakapasok bukas." Napayuko ako dahil narinig ko siyang humihikbi sa kabilang linya.

"It's okay, Henricka. Please be okay," sabi ko sa kaniya at binaba na niya 'yung telepono.

'Ano kaya nangyari sakanya?'

HENRICKA

Pagka-uwi ko sa bahay ay agad akong nilapitan ni daddy at sinampal saka pinalo sa iba't ibang parte ng katawan ko gamit ng yantok.

Umiyak ako at nagmaka-awa sa kaniya dahil sa sobrang sakit na. Tumigil lang siya ng sumigaw na ko ng malakas.

"Bakit niyo po ba ginagawa 'to? Dapat nga si Thea 'yung pinapagalitan niyo dahil siya 'yung mali!" sigaw ko.

"Ginawa niya 'yon dahil sa ayaw mo siyang ihatid sa eskwelahan niya! Anong klaseng ka ba at pinapabayaan mo ang kapatid mo?" tanong ni dad.

"Bakit? Siya lang ba ang may pasok ngayon? Ako din naman, huh? Unang araw ng pasok ko kanina at dahil sa ginawa batang 'yan ay nahuli ako sa pagpasok!" sigaw ko.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now