Chapter 13.

2.2K 30 0
                                    

Date Published: June 6, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Habang nabyahe ay napatingin ako kay sir dahil sa may naalala ako biglang itanong.

"Sir, naalala mo po 'yong gabi na may gusto din pong kumuha sa 'kin? Ano po pala ang update doon?" tanong ko.

"Oh, yes! Nakalimutan ko na din 'yon, ah?" komento niya.

"To be honest, walang nakitang kung sino ang mga pulis nang gabing 'yon kaya hindi namin alam kung sino ang may kagagawan n'on," sagot niya.

"But when you said that it was your parents' plan, we still need someone from those guys to be a witness against them," dugtong niya pa.

"Hula ko ay sila ulit ang may kagagawan nito," komento ko.

"I know your sentiments and even me, I'm thinking about them too... Pero, nasaan ang mga bantay mo?" tanong niya.

"May pinuntahan daw po sila, sir. Kaya feeling ko ay hinihintay lang nila na mawala ang mga bantay ko bago sila kumilos ulit," sabi ko.

"Mr. Garcia should know about this. Inform him later, alright?" Tumango ako sa kaniya.

"Okay po, sir. Naiintindihan ko," sagot ko naman.

"Don't worry, I'll ask everyone later about this incident," paniniguro niya pa. Napatango na lang ako at tumahimik na.

•*•*•*•*•*

Nakarating na kami sa condo at pinark na ni sir ang sasakyan ko sa parking lot. Tinanggal ko na ang seat belt ko.

"Thank you po, sir," mahinang saad ko.

"No problem. Tara, hatid na din kita sa unit mo para makasiguro na walang makakakuha sa 'yo." Tumango ako at bumaba na kami mula sa sasakyan.

•*•*•*•*•*

Naglakad na kami papunta sa elevator at pumasok doon. Tahimik lang ako habang iniisip kung bakit nila ako gustong kunin.

"Hindi kaya alam na talaga nila ang tungkol sa mga namana ko? Gusto nilang kunin 'yon?" tanong ko naman.

"Don't worry, papa-imbestigahan ko ang tungkol sa nangyari dito. Sabihan kita agad kapag nalaman ko kung sino at kung ano ang pakay." Tumango ako.

"Salamat po, sir. Pasensya na din po sa istorbo."

"No need to apologize. Kung sino man ang gumawa nito, mahuhuli siya." Tumango ako at inakbayan niya ako.

"And I believe that I told you to call me Herald kapag tayong dalawa lang, 'di ba?" tanong niya at tumango ako.

"Sorry, Herald," saad ko at ngumiti siya. Naglakad na kami palabas mula sa elevator at pumunta sa unit ko.

"Dito ang unit ko, sir," sabi ko at binuksan na ang pintuan ng unit ko. Bago pumasok ay lumingon ako sa kaniya.

"Thank you ulit, Herald," sabi ko at napangiti siya ulit. Naglakad na ko papasok ng unit ko at ni-lock na ang pintuan.

Napa-upo ako sa sofa para makapagpahinga na muna dahil sa gusto kong bilangin ang mga perang nakuha ko mula sa mga orders kanina.

HERALD

I'm here at the company para tanungin ang mga empleyadong nasa parking lot kanina para malaman kung ano na ang nangyari.

"Mr. Angeles, ano na ang update?" I asked him.

"Sir, sabi po ng mga pulis ay i-imbestigahan daw po nila ang tungkol sa nangyari. Pero may problema..." Kumunot ang noo ko.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now