Chapter 18.

1.9K 29 1
                                    

Date Published: June 9, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Nakarating na kami nila Lay sa mansyon at pagkapasok namin ay agad naming nakita si Tito Vaughn at may kasama siyang isang lalaki na para mas matanda ng onti kaysa sa 'kin.

"Tito, nandito na po kami," sabi ko. Lumapit ako sa kanila at nag-mano ako kay tito. Tumingin naman ako doon sa lalaki.

"Hi, I'm Ark Aldous - he's son and you can call me 'kuya'," pagpapakilala ni Ark. Ngumiti ako sa kaniya at tumango saka nakipag-kamay.

"I'm Henricka Jennylyn Xerxes," pagpapakilala ko naman. Umupo na ako sa sofa at tumingin kay tito.

"I've heard a while ago about what happened - about the rumors and gossips about you and Herald," paninimula niya.

"We investigated everything about that and this is what we've found." May inabot siyang mga litrato sa 'kin at tinanggap ko 'yon.

Tinignan ko 'yong mga litrato at agad akong nagulat dahil sa may nakita akong dalawang babae na parang nag-uusap doon.

"Parang namumukaan ko 'yong isa," bulong ko. Parang ka-department 'to ni Kyle eh.

"Alam ko ay empleyado 'to ni Herald sa kompanya niya," komento ko pa at tinuro kay tito 'yong babaeng tinutukoy ko.

"Her, huh? Okay, I'll inform Herald about this. We're going to find out if this was your parents' doing or not," sabi niya naman.

"Based on our investigation also, 'yong babaeng kausap ng empleyado ay hindi na mahanap ngayon at hindi alam kung saan ito nagtatago," sabi naman ni Kuya Ark.

"Hindi mahanap? Parang mahihirapan po ata tayo dito, tito," komento ko naman.

"No... We're going to look for this girl and we're going to learn why she did this," sagot naman ni tito.

"Paano po kung sa businesses ko na po sila pumunta para siraan 'yon?" nag-aalala kong tanong.

"We already filed a retraining order against your parents para hindi sila makalapit at ginawa namin 'yon bago mo pa makuha 'yon," sagot ni tito.

"Hindi naman sila ang problema kundi, ang mga tauhan nilang inuutusan nila para gawin ang gusto nilang gawin," sagot naman ni Kuya Ark.

"That is why Nebriano and your other secretaries already informed all of the employees to be wary of everyone even, their customers," sabi naman ni tito.

"May mga CCTV po ba ang lahat ng businesses? Kasi po kung wala ay magpapalagay ako," saad ko naman.

"Mayro'n pong mga CCTV, miss. Pinalagyan na po namin lahat para lang makasiguro na ligtas," saad ni Nebby na kakarating pa lang.

"Buong sulok ng mga gusali ay nilagyan na namin para walang makalusot na kahit sino mula sa mga magbabalak na siraan ang mga negosyo niyo," dugtong niya pa.

"Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit sa 'kin sila daddy. Wala naman akong ginagawang masama," bulong ko.

"Masyado lang talagang sakim ang mga magulang niyo, miss. Kaya sila ganiyan ngayon," komento naman ni Carilo.

"Miss, sir, ito na po ang miryenda niyo." May nilagay na tray ang isang kasambahay sa lamesa at natuwa ako.

"Salamat po," sabi ko naman. Ngumiti siya at naglakad na paalis. Kumuha ako ng isang waffle at kinain 'yon.

"Tungkol lang po ba dito ang pag-uusapan natin, tito?" tanong ko.

"No... Hindi lang tungkol dito. To be honest, you need to know something about this subdivision and villa." Pinakita niya ang sa 'kin ang mga litrato na may mga maganda bahay.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ