Chapter 16.

1.9K 29 0
                                    

Date Published: June 9, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Kanina pa ako pinipigilan ng mga chef sa pagtulong dahil sa kaya naman na daw nila ang trabaho ngayon.

"Miss, okay na po. Kaya na po namin 'to," sabi ng isang chef. Kaya naman hinawakan ako ni Nebby sa magkabilang braso ko at inilayo mula sa pwesto ng mga chef.

"Miss, kaya na nila 'yan. Masyado na po silang madami," saad naman ni Nebby. Pina-upo niya ako sa isang upuan.

"Miss, kung gusto niyo pong makatulong ay p'wede niyo pong ibigay na lang sa kanila ang mga orders," suhestyon ni Nebby.

"Tama ka diyan, Sige," sagot ko. Kinuha ko na ang cellphone ko mula kay Nick at tinignan ang mga orders.

Naglabas naman ng laptop sila Nick at binuksan 'yon. Bago ko gawin 'yong pagkuha ng orders ay nag-text na muna ako kay Herald.

"Hula ko ay kailangan ko ding tanungin si Herald kung may trabaho ba ako na p'wede kong gawin dito sa mansyon," komento ko.

"P'wede din naman po, miss. Para at least, nagagawa mo pa din ang trabaho mo bilang secretary," pagsang-ayon ni Lay.

"Pero, may sinabi si Herald sa 'kin kagabi... Tungkol sa ibang bagay na hindi mo pa sinasabi sa 'kin, Nebby," sabi ko.

Napatigil silang lahat pati na din ang mga chef at napatingin sa direksyon ko. Napansin ko na gulat na gulat sila.

"Anong mayro'n? Bakit parang nagulat kayo?" tanong ko.

"Mayro'n ka pa talaga dapat malaman, miss. Kaso, hula ko ay hindi pa po 'to ang tamang oras para malaman mo ang tungkol doon," sabi ni Nebby.

Napa-isip ako sa sinabi niya at napatango na lang. Tulad ng sinabi ko kagabi, mas maganda nga kung maghanda na muna ako at hindi magmadali.

"Mayro'n pa ba akong dapat malaman? I mean, may ibang bagay pa ba ako dapat malaman tungkol sa mga nagta-trabaho dito?" tanong ko.

"Kasi tulad ng mga chef, hindi ko alam na may personal chef pala ako," dugtong ko pa.

"Sa totoo lang po ay may apat ka pang ibang secretary at saka, ako ang at apat na 'yon ay hindi mo lang secretary dahil kami din ay ang personal lawyer niyo din," sagot ni Nebby.

"Personal lawyer? Bakit naman ang dami niyo?" tanong ko sa kaniya.

"Dahil 'yon ang gusto ng tito niyo, miss. Gusto niya kasing masiguro ang kaligtasan mo," paliwanag niya.

"Mayro'n pa bang iba?" tanong ko.

"'Yon pa lang naman ang p'wede mong malaman sa ngayon, miss. Kasi 'yong iba ay alam namin hindi pa kayo handa," sagot niya.

"Okay... Ako din naman ay hindi din handa sa lahat kaya iha-handa ko na muna ang sarili ko," sagot ko.

Ngumiti silang lahat at tinuloy na ng mga chef ang mga trabaho nila. Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa nag-reply si Herald sa 'kin.

From: Sir Herald
I emailed you all of your works and you have until Wednesday to finish that.

Kinuha ko 'yong laptop ko mula sa bag at binuksan 'yon saka, binuksan din ang email ko para matignan na ang trabaho ko.

"Nebby?" tawag ko.

"Po?"

"P'wede bang paki-imbestigahan ang mga magulang ko pati na din ang kapatid ko? Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa nila," sabi ko.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now