Chapter 31.

2.2K 30 0
                                    

Date Published: June 19, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Naka-uwi na ako sa condo ko nang pagod na pagod at agad umupo sa sofa. Nandoon si Nebby habang nakaharap sa laptop niya.

"Miss, dahil po kumalat ang litrato kanina na tinutulungan mo po sila Kuya Nico ay nagkaroon po ng crowd funding sa labas ng Xerxes Apartment," pag-balita niya.

"Para po 'yon sa mga matutulungan niyong homeless na willing maka-ahon po sa buhay," dugtong niya pa.

"Ano-ano mayro'n sa crowd funding na 'yan?" tanong ko naman.

"May mga damit, sapatos at pera. Ang mga damit at sapatos ay luma na pero, p'wede pa namang gamitin," sagot niya.

"May dalawang bagong café at restaurant tayo, 'di ba? Bakit kaya hindi tayo kumuha ng empleyado doon na homeless pero, willing mag-trabaho para sa pamilya?" tanong ko.

"P'wede din naman 'yong mga working students o graduate na, na naghahanap ng experience?" tanong ko.

"P'wede po, miss. Nakagawa na ako ng hiring announce at hiring sign pero, inaayos ko pa pi bago i-post sa pages at sa labas ng mismong store," sagot niya.

"Maliban na lang sa manager kasi doon, kailangan talaga ng experience," komento ko pa.

"Tama po kayo diyan, miss," pagsang-ayon niya.

"Kumusta pala sila Kuya Nico?" tanong ko.

"Ayos lang po, miss. Naayos na po nils ang problema sa eskwelahan at makakabalik na si Ken para makahabol," sagot niya.

"Masaya akong malaman 'yan," saad ko naman. Sumandal ako sa sofa at napahinga na lang ng maluwag.

"P'wede kaya tayo magpagawa ng building kung saan doon titira ang mga natutulungan nating kapos-palad?" tanong ko.

"Opo, miss. Baka gusto niyo din pong sabihn sila Mr. Aldous tungkol diyan at baka maging interesado din po ang iba pa," suhestyon niya.

Napa-isip ako sa sinabi niya at napangiti na lang. May point siya doon at maka-usap nga sa susunod si tito baka sakaling pumayag siya.

~ THREE MONTHS AFTER ~

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula no'ng nangyaring 'yun. Mas gumaganda din ang mga nangyayari ngayon.

Lahat ng mga bagong tayo naming business ay pinupuntahan ng mga tao at karamihan ng empleyado namin ay mga homeless noon pero ngayon ay may tirahan na.

Karamihan sa kanila ay ayaw tanggapin sa ibang trabaho dahil sa karamihan ay hindi nakapagtapos dahil sa hirap ng buhay.

Kaya naman karamihan ng mga emoleyado namin ay working student kahit 'yong mga may edad na para maka-graduate.

Ang crowd funding namin ay patuloy pa din at nakisama din sila Tito Vaughn at ang iba pang business partners.

Sa totoo lang ay kinausap ko lang si Tito Vaughn dahil sa siya lang ang kilala ko mula sa lahat ng business partners namin.

Nagandahan sila sa sinabi ko at tumulong na din. Nagpatayo kami ng isang malaking apartment kung saan p'wedeng tumira ang mga natutulungan naming kapos-palad at bibigyan ng trabaho sa iba't ibang kompanya at business namin.

Masaya ako dahil sa pumayag din ang iba tungkol dito at nakilala ko na ang karamihan sa kanila. Mababait naman sila kaso, masusungit.

Isa din ang mga San Marquez sa nakisama sa project na 'to at tuwang-tuwa si Herald dahil sa imorovement ko daw.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon