Chapter 5.

2.5K 33 0
                                    

Date Published: May 29, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa balat ko. Napa-upo ako ng dahan-dahan sa kama at tumingin sa paligid ko.

Nagulat ako dahil sa hindi ito 'yung kwarto ko. Tumingin ako sa sarili ko at nanlaki ang mga mata ko dahil sa wala akong suot na saplot kahit isa.

Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Sir. Herald na mahimbing natutulog at wala ding saplot sa katawan.

'May nangyari ba samin ng boss ko? My gahd! I'm doomed!'

"What are you doing here, Henrika?"

'I'm fired na ba?' tanong ko sa isip ko no'ng nagising siya at nakita ako.

"S-sir, k-kayo po 'yung nasa bar kagabi?" tanong ko sa kaniya at napatingin sa 'kin mula ulo hanggang sa dibdib ko.

Napatakip naman ako ng kumot sa katawan ko. Pervert si sir.

"Sir, sorry po. Lasing po kasi ako kagabi kaya hindi ko po alam kung ano 'yung ginagawa ko." Nakayuko kong saad sa kaniya.

Napatingin ako sa kaniya nang pinat niya 'yung ulo ko na para bang isang aso. Nakangiti siya at nagtaka ako.

'Bakit siya nakangiti?' tanong ko sa isip ko.

"Ang daldal mo kagabi, grabe. After we did that, dumaldal ka ng napaka-rami." Iling-iling saad niya sa 'kin. Nanlaki 'yung mga mata ko dahil do'n.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at niyugyog siya.

"Ano po 'yung sinabi ko kagabi sa 'yo sir? Sir! Sabihin mo sa 'kin!" sabi ko at hinawakan niya ako sa braso ko at pinahiga sa kama niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko at dumagan siya sa 'kin. Hinawakan niya ko sa hita ko at napangiwi ako nang naramdaman kong tinusok niya 'yung parte na may pasa ako.

Nakita kong nagtaka siya at tumingin siya sa hita kong hinawakan niya kanina at agad nanlaki ang mga mata niya.

"Who did this to you?" seryosong tanong niya kaya napalunok ako. Tinulak ko siya pero hindi ko siya matulak.

"S-sir, please. U-umalis po kayo sa harap ko," kabadong saad ko at umalis naman siya. Tumayo na ko mula sa kama niya at nagbihis na.

"S-Sir daddy 'yung pumalo sa 'kin kaya nagka-pasa ako," sabi ko sa kaniya habang nagbi-bihis. Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa 'kin o hindi.

"Why? Dahil hindi mo tinulungan 'yung kapatid mo?" tanong niya at tumango ako sa kaniya. Tumingin ako sa direksyon niya at nakita kong nakatingin siya sa 'kin.

"Wala siyang kwentang ama kung hindi niya makita ang tama sa mali," sabi niya at napatalikod ako agad nang tumayo siya mula sa kama.

Bakit ba nakatingin ako sa katawan niya? Napa-iling ako nang napansin kong nakatingi na ko sa katawan ni sir.

"Am I fired?" Tanong ko sa sarili ko. Gusto ko sanang itanong kay sir 'yan pero nahihiya ako at baka sabihin niyang YES.

"You're not fired. Ako 'yung gumawa ng unang move kaya hindi ka matatanggal," Sabi niya sa 'kin na para bang nababasa niya 'yung nasa isip ko. Paano niya nalaman kung ano 'yung nasa isip ko?

"Nanginginig ka eh. Kaya alam kong kinakabahan ka na baka matanggal ka," Sabi niya at hinawakan niya ko sa kamay ko at lumabas na kami mula sa kwarto niya at pumunta sa kabilang kwarto.

"Have some bath para naman ma-cold compress natin ang mga pasa mo." Tumango ako at naglakad na ko papasok ng banyo para maligo.

•*•*•*•*•*

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now