Chapter 32.

2.2K 32 0
                                    

Date Published: June 20, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

~ NEXT DAY ~

HERALD

Nandito kami nila hyung, Drew, at Hanicka sa conference room at hinihintay ang mga Elishda na nagpapanggap na Xerxes. Kanina pa namin sila hinihintay pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila.

Naiinip na ko dito. Si hyung naman ay pinapanood sila Hanicka, Dreix, at Drew na maglaro. Buti pa sila hindi bored tukad ko.

"Bakit hindi ka muna pumunta sa office mo? Text na lang kita 'pag nandito na sila." Umiling ako kay hyung dahil sa sinabi niya.

"Kabado si Henricka ngayon kaya ayokong guluhin siya do'n," sagot ko at napatingin kaming lahat sa pintuan at sa wakas, nandito na sila.

Umupo na silang tatlo sa upuan na nasa harap namin at tinignan sila ng malamig.

"Good morning, Mr. San Marquez," bati ni Mr. Xerxes sa 'min at tumango sa kaniya. Tinignan ako ng malandi n'ong babae at hindi ko siya pinansin.

"Er... Sa pagkaka-alala ko ay 'yung dalawang San Marquez lang ang kakausapin namin, pero bakit nandito ang sekretarya niyo?" maarteng tanong no'ng babae. Patay ka kay Hanicka ngayon.

"Sa pagkaka-alala ko nga rin na sinabi sa 'kin ng ASAWA ko, 'yung mag-asawang Xerxes lang ang kakausapin namin pero bakit nandito 'yung katulong nila?" Muntikan na kong matawa dahil sa sinabi ni Hanicka.

"Ai, don't stress yourself. Buntis ka pa naman." Pagpapakalma naman ni hyung. Laugh trip talagang mainis si Hanicka 'pag buntis siya.

Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan dahil sa hindi ko naman siya naabutan no'ng pinagbu-buntis niya si Dreix noon.

"We're sorry Mr. and Mrs. San Marquez. Anak po namin siya at hindi katulong," sabi ni Mrs. Xerxes sa 'min. Mukha bang may pake kami sa anak nila?

"Yeah. And my name is Thea Xerxes - the one and only heiress at hindi ako katulong," mariing saad niya habang nakatingin kay Hanicka.

"Heiress ka pala akala ko katulong dahil sa suot mong damit na mukhang pang katulong." Natawa na talaga ako sa sinabi ni Hanicka.

Akala ko ako lang 'yung nakapansin sa damit niya na parang pang katulong. Hindi ko alam na cosplayer pala 'yung kapatid ni Henricka.

"Ahhh... Sorry about that. Malakas lang talaga ang trip ng asawa ko dahil buntis siya ngayon," sabi naman ni hyung at alam kong pinipigilan niya na tumawa siya.

"It's okay. We understand," sagot naman ni Mr. Xerxes at tinakpan ko na 'yung bibig ko gamit ang kamay ko.

"Ano nga pala 'yung pag-uusapan natin ngayon?" tanong ko sa kanila at tumingin sa 'kin.

"Gusto naming i-merge ang kompanya namin sa kompanya niyo at bilang kapalit, ipapakasal namin si Thea sa 'yo." Umiling ako bilang sagot sa kanila.

"Medyo bumabagsak na din kasi ang kompanya namin kaya kailangan namin ng tulong," dugtong pa nila.

"I'm sorry pero hindi ako papayag tungkol diyan. She's not my type. Flirt, maarte, and most of all mapag-mataas," malamig kong saad at napatingin kaming lahat sa pintuan.

"Bakit hindi pa siya pumasok?" rinig kong tanong ni Hanicka at lumapit doon si Drew sa pintuan at binuksan ito.

Nakita namin si Henricka at alam kong nagulat siya. Kabado siyang tuming sa 'kin at tumayo ako para lapitan siya.

"H-Herald..." Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay niya. Pinapasok ko siya sa loob at nahalata kong nagulat ang pamilya niya.

"I want you all to meet my girlfriend - soon to be my wife, Henricka," saad ko habang nakatingin sa pamilya ni Henricka.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now