Chapter 1.

5K 57 0
                                    

Date Published: May 25, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Kanina pa ako nag-iikot sa buong lugar para lang makakuha ng trabaho. Kailangan kong makakuha agad kundi, wala akong pera na gagamitin ko sa pang araw-araw ko.

Habang naglalakad para maghanap ay napatigil ako dahil sa may nakita akong nakasulat sa isang bintana.

Napangiti ako at agad naglakad palapit doon. Binasa ko 'yung nakasulat at agad akong napangiti dahil doon.

"Buti na lang at may naghahanap ng bagong secretary. Baka tanggapin ako," bulong ko sa sarili ko at naglakad palapit sa security guard.

"Hello po, kuya. Tanong lang po sana kung saan po 'yung pila para sa secretary?" tanong ko at napangiti siya.

"Wala pong pila, ma'am. Ibibigay lang po sa 'min 'yung resume tapos ang boss na po namin ang bahala." Tumango ako at inabot na ang resume ko.

"Salamat po, kuya," saad ko at kinuha na niya 'yung resume ko saka nilagay sa loob ng box. Naglakad na ko paalis para mag-iwan pa sana ng resume sa iba pang kompanya.

Ang hirap pa namang kumuha ng trabaho ngayon dahil sa madaming naghahanap ng trabaho dahil sa maraming bagong graduate ngayon.

•*•*•*•*•*

Nandito ako ngayon sa isang kainan at kumakain ng pang-tanghalian dahil sa gutom na ako. Maya-maya lang ay dumating na si Gabbi.

"Hoy, ang dami ko nang napapasahan ng resume, sana naman may mga tumawag sa 'kin," komento niya agad pagka-upo.

"Ang dami pa namang mga employers na gusto ng bagong graduate pero, dapat may experience tapos ang baba pang mag-bayad," dugtong niya pa.

"Madami din akong napasahan. Sana naman ay kahit may isa sa kanila ay tatanggap ng fresh graduate," sagot ko naman.

"Sana nga lang. Kailangan ko pa naman ng trabaho para makatulong kanila papa," sagot niya naman.

"Ako naman para maka-alis na sa bahay na 'yon. Nababaliw na ako doon," sagot ko naman at napabuntong hininga.

"Alam kong may tatanggap sa 'tin saka, alam kong makaka-alis ka doon," saad niya at kumain na kaming dalawa.

•*•*•*•*•*

Pakatapos kumain ay naghiwalay na ulit kami ni Gabbi para maghanap pa ng pwedeng pagpasahan ng resume.

Napag-desisyonan kasi namin na hindi magsama para masanay naman kaming dalawa. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay magkasama kaming dalawa kaya ganito.

Pinagpatuloy ko na ang paghahanap dahil isa na lang naman ang natitira sa 'kin dito.

~ XERXES RESIDENCE ~

Pagka-uwi sa bahay ay agad kong nakita ang kapatid ko at suot ang damit na binili ko. Lumapit ako sa sa kaniya.

"Hubarin mo 'yang damit ko, Thea!" sigaw ko at agad na may sumampal sa 'kin at nakita ko si papa na galit na nakatingin sa 'kin.

"Kung ano ang gusto ni Thea, 'yon ang makukuha niya. Kaya 'wag mo siyang sigawan, Henricka," galit niyang saad at napayukom ako ng kamao ko.

Padabog akong pumasok sa loob ng kwarto at hindi na lumabas doon kahit na anong tawag pa ang ginawa nila.

'Makakuha lang ako ng trabaho ay aalis na ako dito.'

•*•*•*•*•*

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now