Chapter 21.

1.9K 32 0
                                    

Date Published: June 12, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Pagkatapos kumain kasama ni Nebby ay nagpaalam na siyang babalik sa sarili naming kompanya para tignan ulit ang mga nangyayari sa iba pang negosyo namin.

Inihatid na niya muna ako pabalik ng kompanya ng mga San Marquez para lang makasiguro na walang magtatangkang kumidnap sa 'kin.

Naglalakad ako mag-isa sa lobby palapit sa elevator at napapansin kong pinag-uusapan pa din ako ng mga empleyadong nandoon.

Hindi ko na lang sila pinansin pa dahil sa naisip kong wala na din namang silbi kundi ang hayaan sila kasi wala na din naman akong magagawa para pigilan sila.

Huminto na ako sa gilid ng elevator habang hinihintay itong bumukas. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at naglaro doon.

"Sigurado ba kayong hindi totoo ang usap-usapan? Kasi paano nangyari na biglang yaman siya eh, no'ng unang punta niya dito ay talagang walang-wala siya?" Rinig kong tanong ng isang empleyado.

"Totoo ba na hindi talaga siya escort ni Sir Herald?" Napintig ang tenga ko dahil sa narinig ko. Agad akong tumingin ng masama sa kanila.

Napansin kong tumahimik ang lahat at nagulat 'yong tatlong babae na nag-uusap tungkol sa 'kin saka, kinabahan.

"Ano ba ang hindi niyo maintindihan mula sa sinasabi ni Herald na tagapag-mana ako? Porque, hindi niyo alam noong umpisa pa lang ay hindi na kayo maniniwala doon?" tanong ko.

"Hindi lang sinabi sa inyo dahil sa trainee pa lang ako at madami pa akong dapat na malaman para ma-handle maayos ang mga negosyong namana ko mula sa tito ko."

"Kung sa tingin niyo ay inakit ko si Herald para lang yumaman, ayusin niyo ang mindset niyo kung ayaw niyong gamitin ko ang mayro'n ako para lang mapalayas kayo dito," banta ko.

Lahat sila ay namutla at mas lalo na 'yong tatlong babaeng pinag-uusapan ako. Ayoko sanang gawin 'to kaso, pinilit na nila ako.

"Henricka? What's wrong?" Napatingin ako sa nagtanong at nakita ko si Tito Vaughn at may kasama siyang isang babae na kasing edad niya.

"Tito, ayaw po kasi nilang maniwala na tagapag-mana ako at sabi nila ay escort daw po ako ni Herald," sagot ko naman.

"What?" Agad sumama ang tingin niya sa lahat ng empleyado at mas lalo silang natakot dahil sa nangyari ngayon.

"That accusation isn't right anymore, everyone! Kung ayaw niyong maniwala na tagapag-mana si Henricka ay manahimik kayo ang keep your trash mindsets into yourselves," galit na saad ni tito.

"Ito talaga ang pinaka-ayoko sa office works. Karamihan ay toxic at kapag nakaka-angat ka ay talagang hihilahin ka pababa mas lalo na kung maganda ang trabaho mo," komento naman ng babaeng kasam ni tito.

"Herald will know this and just be thankful that I can't fire you all because I am not your boss," saad pa ni tito.

"Hello, Henricka. I am Aisharinne Aldous - asawa ako ng lalaking 'to at tawagin mo na lang akong 'tita'," pagpapakilala ng babae sa 'kin.

"S-Sige po, tita. Nice to meet you po," saad ko naman.

"Ano po pala ang ginagawa niyo dito? Wala po si Herald dito dahil kasama niya si Sir Alexandrei na mukhang problemado po ngayon," sabi ko.

"I know. Pumunta kami dito for you para kumustahin ka. Alam kong medyo nahihirapan ka dahil sa mga issue ngayon," sagot ni tito.

"Okay po, tito. Salamat po. Okay lang naman po ako maliban na lang po sa nangyari ngayon," saad ko naman at bumuntong hininga.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon