Chapter 3.

2.9K 40 1
                                    

Date Published: May 25, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Nandito kami ngayon ni Kyle sa isang restaurant at kinabahan ako. Wala akong pera. Ang balak ko sa fast food lang ako kakain at hindi dito.

"Don't worry. It's my treat." Napatingin ako agad sa kaniya at nakaramdam ako ng hiya.

"Nakakahiya naman sa 'yo," sabi ko at umiling siya sa 'kin. Lumapit na sa 'min 'yung waiter at binigay 'yung menu. Kinuha ko 'yun at tinignan.

Nanlaki 'yung mga mata ko nang nakita kong mahal 'yung mga presyo. Ginto ba 'yung mga pagkain dito? Pati tubig ginto na rin.

"Anong order mo, Henricka?" tanong niya at sinara ko na 'yung menu. Ngumiti ako sa kaniya.

"I-ikaw na ang bahala," sabi ko sa kaniya. Siya na ang bahala kasi ili-libre naman niya ko.

"Okay. Two Cheeseburger Deluxe, two mango shakes, and two strawberry cheesecakes," pagkasabi ni Kyle no'n ay umalis 'yung waiter.

"Do you have a boyfriend?" tanong niya agad sa 'kin. Bakit ba lagi na lang ganyan ang tanong sa 'kin?

"Wala. Ayoko na kasing masaktan eh," sagot ko sa kaniya at natawa siya ng mahina.

"Bakit? Pinagpalit ka? Iniwan ka? Nioko ka?" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin at pinaglaruan ko 'yung wine glass na nasa tabi ko.

"Pinagpalit niya ko sa kapatid kong malandi. Sa bagay, lahat naman ng gusto ko, gusto niya kanya eh," sagot ko naman sa kaniya at napa tango-tango siya.

"Pinagpalit ka sa kapatid mo? Sa ganda mong 'yan pinagpalit ka?" hindi niya makapaniwalang tanong sa 'kin.

"Walang kwenta ang ganda kung ang kalaban naman ay ahas," sabi ko at dumating na 'yung mga in-order niyang pagkain.

"Thank you," sabi ko sa waiter at nginitian ako.

"Sa bagay, may point ka. A-anuhin mo pa ang kagandahan kung malandi naman ang kalaban. Pero kung talagang mahal ka niya, dapat hindi siya bumigay sa kalandian ng kapatid mo," seryosong saad niya at kumain na siya.

"Sa bagay, may point ka din diyan. Dahil naakit siya ay, ibig sa bihin lang no'n ay hindi niya ko mahal talaga," sagot ko naman.

"Yeah, you're right about that. Kaya 'wag mo nang isipin ang tungkol sa ex mo. He's not worth it," saad niya.

"Thank you," sagot ko at kumain na kaming dalawa ng tahimik.

•*•*•*•*•*

Tapos na kaming kumain at hinatid ako ni Kyle sa opisina at tumingin ako sa kainya nang nasa tapat na ko. Nginitian ko siya at yumuko ng onti.

"Salamat sa lunch," sabi ko at napakamot siya ng batok niya.

"Wala lang 'yun ano ka ba," sabi niya at napatingin siya sa tabi ko kaya napatingin din ako at nanlaki 'yung mga mata ko nang nakita ko sir. Patay ako!

"G-good afternoon po, sir," bati ni Kyle at tumingin siya sa 'kin. I'm fired na ba?

"Nasa table mo na lahat ng mga gagawin mo. Pupunta lang ako ng conference room dahil nando'n na 'yung ka meeting ko," sabi niya at tumango ako.

Naglakad na siya paalis at napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Hinawakan naman ako ni Kyle sa balikat ko.

"Takot ka talaga sa kaniya, 'no? Sa bagay, mas nakakatakot nga siyang tumingin kaysa kay sir Alexandrei," sabi niya at naglakad na ko papasok ng office.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon