Chapter 19.

2K 34 0
                                    

Date Published: June 12, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

Nandito sila Vaughn ngayon sa loob ng isang library sa mansyon at pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari kanina.

"Paki-bantayan siya paki-usap. Alam kong mahirap tanggapin 'to para sa kaniya pero, alam natin na siya lang ang p'wedeng mag-mana ng org," sabi ni Vaughn.

"Alam po namin 'yon, sir. Gagawin po namin ang lahat para lang masanay siya dito," sagot naman ni Nebby.

"Sir? Hindi ba parang oras na din para malaman niya ang tungkol kanila Mr. Hariko? I mean -"

"Alam ko, Carilo. Pero, ayokong mas katakutan niya pa ang mga kinikilala niyang magulang ngayon kaysa noon. Takot na takot na siya eh," sagot ni Vaughn.

"But dad, she'll understand it more once she learned the truth. Hindi man siya nagsasalita pero, alam kong may tanong pa din siya sa sarili niya," saad naman ni Ark.

"Lagi pa naman niya tinatanong kung bakit siya ang nag-mana ng lahat eh, hindi naman siya ang anak," komento naman ni Nebby.

"Do you think that she's ready to know that she's the missing daughter of both Hariko and Janina?" tanong naman ni Vaughn.

"Parang mas maganda ata kung sa susunod na natin sasabihin 'yan kasi, baka mas lalo lang siyang maguluhan kung ngayon natin siya sasabihan," komento ni Nick.

"I agree with Nick. Let's wait for more time for her to be more ready. Let's give her time sa ngayon," pagsang-ayon ni Ark.

"Train her on being a boss and I can help you with that. As her legal guardian, tutulungan ko kayo," sabi naman ni Vaughn.

"Dad, why won't we ask Herald to help? I mean, sa 'ting lahat ay siya ang mas malapit eh," suhestyon naman ni Ark.

"You have a point there, son. Wait." Agad kinuha ni Vaughn and cellphone niya at tinawagan na si Herald para masabihan ito tungkol sa nangyayari ngayon.

HENRICKA

Habang nagpapahangin sa hardin ay dumating ang isang butler at inabutan ako ng tsaa. Tinanggap ko 'yon at ngumiti sa kaniya.

"Maraming salamat po," bulong ko. Ininom ko na 'yong tsaa at bumuntong hininga ulit.

"Kung ano man po ang problema niyo ay alam kong malalagpasan mo 'yan, miss. Hindi naman masama lagi ang mga org eh," sabi niya.

"Ginawa lang naman 'to para ma-protektahan ang lahat ng gustong ma-protektahan nila Master Hariko noon," dugtong niya pa.

Napatingin ako sa direksyon niya at napansin ko na medyo matanda na siya at mukhang nasa 60's o 70's na siya.

"Naabutan niyo po siya?" Tumango siya sa 'kin. Tumabi siya sa 'kin at ngumiti ng onti.

"Ako po si Sean - ako ang personal assistant ni Master Hariko. Ang anak ko naman na si Nebriano ay ang personal secretary at lawyer mo," sabi niya.

"Anak niyo po pala si Nebby. Ngayon ko lang po nalaman," komento ko. Natawa siya ng onti at tumango.

"Tulad ng sinasabi ko kanina, nakilala ko si Master Hariko no'ng mga oras na walang-wala ako at siya ang tumulong sa 'kin na maka-ahon sa buhay," pag-kuwento niya.

"Nagsi-sinula pa lang siya sa negosya niya nang mga oras na 'yon at sino-soportahan siya ni Ma'am Janina hanggang sa naging successful 'yon."

"Nang naging successful 'yon ay doon na nagsimula ang galit ng mga kamag-niya kaya napag-isipan niyang gumawa ng organization para ma-protektahan ang lahat ng gusto niyang protektahan," sabi niya pa.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora