Chapter 14.

2.1K 30 0
                                    

Date Published: June 6, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Inabot ko na kay Herald 'yong mga folders na nakuha ko at tinanggap niya 'yon saka tinignan ang mga 'yon.

"Are you free tonight, Henricka?" tanong niya. Napa-isip ako sa tinanong niya dahil sa hindi ko alam kung may schedule ba ako mamaya o wala.

"Hindi ko pa alam, Herald. Pero, tanungin ko agad si Nebby tungkol dito at sabihan kita agad. Kaso, ano mayro'n mamaya?" tanong ko.

"There's something going on and I know that you need to know that. And besides, there are still things that you need to know," sagot niya.

"Bakit hindi sinabi sa 'kin nila Nebby ang tungkol doon kung may kailangan pa akong malaman?" tanong ko naman.

"They're just preparing you for the worse. And besides, I'm not going to tell you about either and I'll just wait for Mr. Garcia to tell you instead," sagot niya.

Napatango na lang ako at hindi na nagtanong pa. Kung kailangan ko munang mag-handa para doon ay magha-handa na lang ako para kapag sasabihin na nila sa 'kin ang tungkol doon ay handa na ako.

"'Yon lang po ba, sir?" Tumango siya.

"P'wede ka nang bumalik sa trabaho mo at sabay tayo mamaya sa pagpunta sa bahay ko," sabi niya.

"Okay po, sir," mahinang sagot ko. Naglakad na ako palabas ng opisina at huminga ng malalim dahil sa sobrang kaba ko na para sa mga sasabihin niya sa 'kin mamaya.

Pagkalabas ko mula sa opisina ay agad kong tinawagan si Nebby para magtanong at agad niyang sinagot ang tawag ko.

"Yes, miss? May problema po ba ulit?" tanong niya agad.

"Gusto ko lang tanungin kung may schedule ba ako mamayang gabi? Mag-uusap kasi kami ni Herald sa bahay niya eh," sabi ko.

"Based po dito sa schedule niyo ay wala po kayong schedule sa ngayon. Pero sa Thursday ay mayro'n with Mr. Aldous," sabi niya.

"Gano'n po ba? Sige, salamat po. Paki-tawagan na lang po ako kung may problema," sagot ko naman.

"Opo, miss. Masusunod po 'yan," sagot niya. Binaba ko na ang cellphone ko at umupo na sa pwesto ko.

Mamaya ko na lang sasabihan si Herald at tatapusin ko na muna ang trabaho ko sa ngayon.

•*•*•*•*•*

Tapos na ang trabaho namin at naglalakad kami ni Herald papunta sa sasakyan niyang naka-park sa basement ng kompanya.

Kaming dalawa lang ngayon ang nandito dahil sa bawal ang mga empleyado dito at ang parking lot na para sa kanila ay ang mga parking lot na nasa labas.

"Herald...?" tawag ko sa kaniya. Tumingin siya sa 'kin at napatigil kami mula sa paglalakad.

"What's up?" tanong niya.

"Natatakot ako," mahinang saad ko.

"Natatakot ako sa mga sasabihin mo sa 'kin mamaya kasi baka may kabayaran ang pamanang 'to sa 'kin," dugtong ko pa.

"Hey, calm down." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo ko. Hinimas niya ang buhok ko ng marahan at ngumiti ng onti.

"Don't worry, everything will be okay and besides, I'm here for you. I'll always be here for you," seryosong bulong niya sa 'kin.

Tumango ako at naglakad na ulit kami papunta sa sasakyan niya habang naka-akbay sa 'kin.

•*•*•*•*•*

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now