Chapter 3: She's Everywhere

34.9K 1.8K 1.2K
                                    

Ashleene's PoV:


"That's all for today. Class Dismissed. See you all tomorrow." The teacher said. He gathered his things and quickly left our classroom.


I internally screamed because of that. Gosh. Finally! Ang sarap pakinggan nang sinabi nyang yun. If I know, hindi lang ako masaya kung hindi lahat kami ng mga kaklase ko. Lalo na't walang masyadong assignment for this day.


Mabilis na iniligpit ko ang lahat ng mga gamit ko. After I fixed my things, I stood up and eventually exited my room. Pagkalabas na pagkalabas pa lang ay sumalubong na sa akin ang mga estudyante. Well, may mga kasabay kasi kami ng out for today.


For the past few weeks, I can say na maayos naman ang stay ko rito sa Mitsuki University. So far so good. I already made friends. Madali lang din akong makasabay sa mga subjects namin. I easily adapt with my new environments.


Now, I'm in the hallway. Ramdam ko pa rin ang mga tinging ipinupukol nga ilang students sa akin. Siguro ay dahil pa rin yun sa encounter namin ni Miss Freyja sa cafeteria.


Speaking of her, sobrang thankful talaga ako kay destiny at hindi nya pinagcocross ang landas naming dalawa hahaha. Agad na akong umiiwas kapag nakikita ko na sya sa malayo eh.


"Pauwi ka na ba Ashleene?" Naputol ang aking pag-iisip nang maramdaman kong may umakbay sa akin. I looked at the latter'ss direction. Agad na sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Zarrain.


I smiled at her and happily nodded my head. "Of course, miss ko na agad yung bed ko eh." I said. We both giggled because of that.


"How about you? Pauwi ka na rin ba?" Tanong ko. Suot-suot nya na rin kasi ngayon yung bag nya. Lumayo sya ng kaunti sa akin.


"Yeah. Kaso kailangan ko pa tong dalhin sa SSC Room eh." She answered at itinaas ang mga papeles na dala-dala nya. Before I forgot, she's also part of the SSC of this school.


"Tara, samahan na kita." Pag-offer ko pa. It's not a big deal though. Atsaka mukhang wala naman don si Miss Freyja. I heard that she's on a trip para bisitahin ang kalapit na University.  Kaya medyo confident ako ngayong rumampa.


We started to make our way towards the SSC room. Hindi rin naman yun kalayuan sa loob. Ako na rin ang nag-insist na magbuhat ng mga papel na dala-dala ni Zarrain.


"Here Ashleene. Pakilagay na lang dito." She said and pointed at a certain direction. Hindi ko maiwasang mapalunok. Kitang-kita ko may nakalagay na pangalan ni Miss Freyja don. I guess, this is her table.


I nodded my head and quickly did what she said. Hmm... Freyja's neat huh? Wala akong nakikitang kalat. Napaka-ayos ng table nya. Oh well, ano pa bang dapat kong i-expect.


Suddenly, I felt that Zarrain encircled her arms on my nape at niyakap ako. "Thank you for helping me Ashleene."


I was taken aback with her gesture. Baka ganon lang talaga sya magpasalamat. That's kinda cute though.


"It's fine. No worries. Ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa akin." Natatawa kong saad. I started to pat her head like a kid. With that, nakita kong napanguso sya.


"I suppose, that's not a right way to thank a friend Zarrain." Automatic na nanlaki ang aking mata. That v-voice... Kilala ko kung sino ang may-ari ng malamyos na boses na yun.


Mabilis na napatingin kami sa direksyon ng taong nagsalita. There she is, standing at the corner of the room. Napakadilim ng expression nya. I can feel the shivers running on my whole system. Fuck. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako bigla.


How to Stop an Obsessive Love?Where stories live. Discover now