Chapter 28: Curious

19.8K 871 286
                                    

Ashleene's PoV:



"Ashleene, may sasalihan ka bang sports ngayong sports fest?" Tanong ni Zarrain sa akin. Napabuga naman ako ng hangin dahil don.


"To be honest, wala pang pumapasok sa isipan ko eh." I reasoned out. Kung tutuusin at hindi naman sa pagmamayabang, I'm into sports at magaling ako sa lahat. It's just that, wala ako sa mood ngayon.


"Maybe, tutulong na lang ako sa booth ng section namin." Dagdag ko pa. Nakita kong napatango-tango si Zarrain bilang sagot.


Lumiko kami sa isang building. We're actually walking in an empty hallway. Nagpatulong kasi sya sa akin. Tamang-tama at free naman ako so I did help her.


We stopped infront of the SC Room. Wait. Parang bigla akong nabuhayan. SC Room huh? I wonder kung nandito si Miss President.


I bit my lips and plastered my poker face. Pero sa totoo lang ay kinikilig at excited na ako sa loob-loob ko. Ayaw ko lang ipakita kay Zarrain dahil for sure ay aasarin nya ako hahaha.


"Pakilagay na lang dyan sa may table Ashleene. Iiayos ko lang to sa loob. Thank you." Zarrain instructed me first bago tuluyang pumasok sa isang pintuan. Mabilis na ginawa ko ang sinabi nya. I placed the papers on the table.


Habang inaantay si Zarrain, napalinga-linga naman ako sa paligid. I tip-toed while looking at a certain person. Nagbabakasali kasi ako baka mamaya ay andito yung asawa ko.


"Huy, baka anong makita mo dyan." I quickly jumped off in my position when I head that. Napasapo ako bigla sa aking dibdib. I silently cursed. Nakakagulat naman tong isang to.


Zarrain faked a cough. "Oh wait, let me rephrase my question. Baka sinong makita mo dyan. Alam ko namang may isang tao kang hinahanap eh."


Napailing na lang ako sa kawalan. Bilib na talaga ako sa kanya. Parang may superpowers si Zarrain. Yung tipong malalaman nya lahat.


"Hmp. Nasaan ba kasi yung pinsan mo?" Tanong ko at nagcrossed-arms pa. Sungit-sungitan muna ako ngayon.


She sit on the nearest chair. "She's a little bit busy since you know, marami syang responsibilities and duties. Lalo na't may paparating na sports fest ngayon."


Napatango-tango naman ako dahil don. Now I know why. Kaya pala madalang ko na lang na makita si Freyja sa bahay. Pero kapag nagigising naman ako ng midnight ay nakikita ko syang katabi ko. She's hugging me really tight. Kapag nagigising naman ako sa umaga ay wala na sya. But she cooked something for me.


"So tell me Ashleene, how's Freyja as a wife?" Tanong nya. Automatic na nanlaki ang aking mata at napanganga. Wow. I'm surprised that she know that.


"W-What? How did you know about that?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Pero ang siste, ayun ngumisi lang na parang waging-wagi.


"Silly, I have my ways. Atsaka, nakakalimutan mo na siguro na pinsan ko ang asawa mo." Sagot nya. Aish. Sya na talaga. "So kamusta naman sya? At kamusta rin ang *ehem* honeymoon nyo?"


I was taken aback with that. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. My heart's beating so fast. Mygoodness. May pagka straight-forward din pala si Zarrain.


"Gosh. Freyja's an amazing wife. Wala na akong masasabi pa. She's the best. And about the honeymoon..." Tumigil muna ako sa pagsasalita at kinalma ang aking sarili.


"She's also the best in bed. We did so many rounds of lovemaking. Ang lakas ng stamina nya." I said in a low tone. I'm embarrassed. Kung nakikita ko lang ang sarili ko, paniguradong pulang-pula na ako katulad ng kamatis.


How to Stop an Obsessive Love?Where stories live. Discover now