Chapter 43: Escape Plan

15.4K 782 260
                                    

Ashleene's PoV:


"Baby, pwede ko bang hiramin muna tong si Ashleene. You know, I'm gonna ask her something." Seryosong turan ni Tito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Ang hirap talagang basahin ni Tito. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya.


I looked at Akane and I noticed that she's also staring at me. Binigyan nya ako ng isang makabuluhang titig na para bang nagsasabi na wag akong magsusumbong. Too bad. Her Dad knows everything.


"Later Dad. After nating magbreakfast. Basta make sure na ibabalik mo ng buo si Ashleene ha." She said and let out a giggle. Napailing na lang ako sa kawalan at itinuon ang aking atensyon sa pagkain na nasa harapan ko.


Paminsan-minsan lang ako kung makisali sa usapan nilang dalawa. Oh well, Akane's forcing me by nudging my feet.  I'm really thankful to God na wala syag ginawa sa akin gabi. My night is peaceful. Sana magtuloy-tuloy na to.


Now, tapos na kaming kumain. Naramdaman ko na lang na hawak-hawak nya ang aking pulsuhan at hinila papunta sa kitchen.


She slowly encircled her arms on my nape. Akane's giving me a seductive and playful look. Tsk. Hindi nya na ako madadala sa paganyan nya. Okay fine, medyo may epekto pa rin sa akin.


"Don't forget what I told you last night Ashleene hmm? Be a good girl para hindi ako magalit." Saad nya at ngumiti pa ng kay tamis-tamis sa akin. Marahang hinaplos-haplos nya rin ang aking likuran. Such a good actress.


Napapikit ako nang mariin at labag sa loob na tumango. "Yes, of course." In an instance, naramdaman ko na lang na dumampi ang isang malambot na bagay sa akin. It last for a while.


"Keep this mouth of yours shut Mi Amour. Later mo na lang i-open sa lovemaking session natin." Saad nya at kumindat pa sa akin. Dahan-dahan nyang pinadausdos ang kanyang kamay sa aking leeg papunta sa aking ibabang parte.


I was caught-off guard with that. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Gosh. Napahawak ako sa aking dibdib. My heart's still beating so fast. You need to stop this Ashleene.


Bago pa ako makaalma, she left me there dumbfounded. I composed myself.  Lumabas na ako sa kitchen at ang seryosong mukha ni Tito ang sumalubong sa akin. He motioned me to follow him.

We decided na sa may balcony na lang mag-usap ni Tito. In this place, you can see the sea. To be honest, parang kumalma rin ng kaunti ang aking sistema dahil don. It's relaxing.


"So how was your stay here Ashleene? Did my treat my daughter well? Sinasaktan mo ba sya?" Sunod-sunod na tanong ni Tito. He's sitting on the chair infront of me. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Bakit ganon ang mga tanong nya?


"It was fine Tito. Uhm... Aka——Freyja's really an amazing wife. Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya. Hindi ko po sya magagawang pagbuhatan ng kamay." Kahit naguguluhan, sinagot ko na lang ang mga tanong nya.

"That's good to hear. Alam kong nasa mabuting kamay ang anak ko. I trust you Ashleene." He said at tumango-tango pa. Aish. Naguguluhan na talaga ako. Tito took the acting to the highest level ha. Alam nya naman ang sitwasyon namin ng anak nya ah.


He stood up at naglakad papunta sa akin. Taimtim syang nakatingin sa akin kung kaya't hindi ko maiwasang kabahan. Gosh. Paano kung... sa kanya talaga nagmana si Freyja at iniba lang ni Ashleene ang kwento?

How to Stop an Obsessive Love?Where stories live. Discover now