Chapter 35: Freyja's Accusations

16.1K 809 141
                                    

Ashleene's PoV:


Parang umurong bigla ang lakas ko nang makita ang napakadilim na expression na nakapaskil sa mukha ni Freyja. Her eyes are filled with rage and fury. Napakatalim ng mga titig na ipinupukol nya sa aming dalawa ni Zarrain.


"I repeat. What are you two talking about?" Tumataas na ng kaunti ang lakas ng boses nya. Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa.


I gulped and looked at Zarrain. Tamang-tama at nakatingin din pala sya sa akin. We're both asking for help to each other. Damn. I'm speechless. I'll stutter kung magsasalita ako.


I need to composed myself first. Ni hindi ko pa nga masyadong naipoproseso ang lahat ng sinabi ni Zarrain eh. And I know, marami pa akong kailangang malaman.


"Ahm... Don't worry cous, hindi naman masyadong mahalaga yung pinag-uusapan namin." Zarrain reasoned out. She even let out a forced laugh.


"Really? Parang hindi naman... Masyadong seryoso ang mga mukha nyo eh." Hindi ko mahimigan ang tono ng boses ni Freyja. But one thing is for sure, alam nyang hindi nagsasabi ng totoo ang kausap nya. Mygoodness. Matalino nga pala sya.


I faked a cough. "Zarrain's right. It's really nothing. We're talking about the upcoming movie. Well, balak nga naming magmovie marathon at of course, kasama ka Freyja." I even plastered my sweetest smile para mas lalong kapani-paniwala.


Matamang pinagmamasdan nya pa rin ako na para bang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Maya-maya pa ay nakita kong napabuntong-hininga.



"Okay fine. If you say so." Nakahinga naman ako nang maluwag dahil don. Damn. I'm relieved. Nakakatakot kasi si Freyja eh. Parang anytime ay pwedeng-pwedeng magtransform sa monster eh.


"But wait, para saan naman tong mga libro? Connected ba to sa movie na tinutukoy nyo?"


Parang binuhusan ako nang malamig na tubig dahil don. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko. Mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko nang makitang isang ngisi ang nakapaskil sa kanyang mukha. She's smirking and I know that it's a sign of danger.


I gulped. I'm not sure kung may alam ba sya sa pinag-uusapan namin ni Zarrain. Or worse, baka mamaya ay narinig nya ang lahat.


With just thought, I can feel my whole system trembling in fear. Oh shit. Wag naman sana.


"No that's not it Freyja. Actually, kinuha ko tong mga books na to dahil gusto kong mag-advance reading sa isang subject namin." Sagot ko at ginawa pang confident ang aking boses. Pero sa totoo lang ay grabeng kaba na ang nararamdaman ko.


Still, hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa kanyang labi. It's quite disturbing. But I'm not bothered dahil alam kong hindi si Akane ang kaharap ko. At least, I'm safe for now.


"Bakit ka nga pala napadpad dito sa library Freyja?" Pagchachange-topic ko pa. Akmang tatayo na sana ako hinawakan nya ang aking balikat at pilit na pinaupo akong muli.


"Well, may hinahanap kasi akong pagnamay-ari ko. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sya. Kaso mukhang mag nagtatangkang umagaw sa kanya." She said while directly looking at my eyes. Umupo sya sa tabi ko.


"Ahm.. Cous, mauuna na ako. May kailangan pa kasi akong gawin eh." Pagsabat ni Zarrain. She's scratching her nape.


Wala kaming narinig na sagot mula kay Freyja. Instead, she's just directly looking at me to the point that it's making me uncomfortable. Nakakatunaw. Para bang pinag-aaralan nyang mabuti ang mukha ko. Isang ngiti ang ibinigay ko kay Zarrain at nakita kong napatango-tango sya.


How to Stop an Obsessive Love?Where stories live. Discover now