Chapter 14: Slowly Changing

30.6K 1.2K 379
                                    

Ashleene's PoV:


When I opened my eyes, I just found out that I'm the only one here in my bedroom. Wala na akong katabi. In short, nauna nang umalis si Freyja.


Hmp. Sayang, hindi ko man lang sya nasilayan ang crush ko nang magising ako. Just kidding.


Bawing-bawi naman si Freyja dahil hindi nya nakalimutang mag-iwan ng note sa akin. At eto pa, she cooked something for me.


Here I am, eating happily the breakfast that she prepared. Hindi rin matanggal-tanggal ang ngiti sa aking labi.  Ang sarap ng luto ni Freyja, parang sya lang. 


Napailing na lang ako sa kawalan. Mabuti na lang talaga at wala akong kasama dito sa unit ko. Nako kung meron man, baka akalain nilang nababaliw na ako. Aish. This is Freyja's fault! Ang lakas talaga ng epekto nya sa akin.


It took a while and I'm already done eating. Kanina pa ako nakaayos at nakaligo. I still have classes for today. Social Psychology, Personal Development, at Abnormal Psychology ang subject ko for today.


I took a last glimpse of myself bago tuluyang umalis sa aking condo unit. Of course, sinigurado ko na nakalock yung pintuan. Aba, mahirap na sa panahon ngayon noh. Baka mamaya ay may nakakapasok na lang na tao sa condo unit ko ng hindi ko man lang nalalaman.


I quickly get inside of my car at nagsimulang magmaneho papunta sa Mitsuki University. Damn. Freyja's really rich. I guess, nakukuha nya lahat ng gusto nya ah.


The ride went smooth. Ilang minuto lang ay nandito na agad ako sa University. I parked my car first before finally making my way towards the hallway of the school.


While walking, isang pamilyar na tao ang nahagip ng aking mata. Wow. Ngayon ko na lang uli sya nakita ah. Matawag nga at nang makausap ko naman sya.


"Bree!" I called her. Yup, it was my classmate in one of my subjects. Nakita kong napatingin ang ibang estudyante sa akin. Siguro ay dahil sa lakas ng boses ko. I just gave them a peace sign.


I looked at Bree. At hindi ko maiwasang maguluhan. The looks she's giving me... Parang nakakita sya ng multo. My eyebrows knitted. May nagawa ba akong masama sa kanya? As far as I remember ay wala naman.


She didn't say something and instead, nagsimula na syang maglakad papalayo sa akin. But I'm lucky, mas mahaba ang mga biyas ko kaya madali ko lang syang nahabol.


"Bree what's wrong? Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko. I placed my hand on her shoulder. Hindi ko maiwasang mag-alala. Baka mamaya ay may pinagdadaanan na pala sya.


"I-I gotta go Ashleene. May gagawin pa pala ako." She answered and quickly averted her gaze. Aish. That was her answer nung tinanong ko sya ng nakaraan ah.


Akmang aalis na sana si Bree nang mabilis kong hinawakan ang kanyang wrist.


"C'mmon Bree. Let's talk. You're already my friend. Wag kang mahiyang magsabi sa akin." Mahinahon kong saad. I just hope na maramdaman nyanh sincere ako.


She's still staring at me intently na para bang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo. Maya-maya pa, narinig kong napabuntong-hininga sya ng malalim.


"Okay fine. Basta wag dito. I know that she's watching us. Nandyan lang sya sa paligid." She said with a hint of nervousness on her tone. Parang takot na takot talaga sya.


Napakunot-noo ako bigla. Sinong tinutukoy nya? Mabilis na inilibot ko ang aking nata sa paligid. I don't see anyone who's looking at our direction. Everyone's busy meddling with their business naman.


How to Stop an Obsessive Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon