Chapter 5: Mixed Signals

34.3K 1.5K 686
                                    

Ashleene's PoV:

Agad kong pinindot ang passcode ng aking unit. We're already here in my place. Freyja's still in my arms, sleeping innocently.

Up until now, ramdam na ramdam ko pa rin ang bilis ng kabog ng puso ko. It's quite disturbing. Maybe, ganito lang talaga. Umiiral na naman ang kaharutan ng heart ko dahil hawak-hawak ko si Freyja.

I heaved a deep sigh. I just found myself smiling widely. Mabuti na lang at wala akong kasama. Baka mamaya ay isipin nilang nababaliw na ako.

It felt so unreal. Napakabilis ng pangyayari. It's not that I'm complaining though. Parang nung nakaraan lang ay pinapagalitan nya ako and yet, she's here  on my arms now.

I quickly made our way towards my bedroom. Dahan-dahan ko syang ibinaba sa kama ko. My bed's quite big dahil queen size naman yun.

Freyja's now on the bed pero ang mga kamay nya ay nakakalingkis pa rin sa batok ko. Instead, mas hinigpitan nya pa ang pagkakakapit sa akin.

Napapikit ako nang mariin. She smells really good. She smells like a chocolate. Parang gusto ko syang kagatin bigla. Jyng titignan sa ibang anggulo, it looks like I'm straddling her. Her legs are parted while I'm in between.

Hindi ko maiwasang mapakagat-labi. Feel na feel ko kasi ang katawan ni Freyja. Napakalambot. Grabe.

Mabilis akong napailing. Ugh! I should stop thinking that way. Nagiging pervert na ako. Malaki pa naman ang respeto ko kay Freyja.

I slowly removed her hands on mine. Nag-iingat ako na sana ay hindi sya magising. I guess, she's now in a deep sleep. Para ngang nananaginip na sya eh. So cute.

I felt relieved when I'm done. Whoo! Buti naman at success ako. Ilang minuto muna ang pinalipas ko para lang pagmasdan sya. Duh. She's really beautiful kaya. I swear, para syang angel kapag nakita nyo.

I turned my back. Balak kong pumunta na sa guest room. Medyo gabi na rin kasi at inaantok na ako.

Suddenly, I felt that someone held my wrist. "Where are you going?" Nakita kong unti-unting nagmulat ng mata si. Freyja. I was taken aback because of that. I'm surprised. Mabilis pala syang magising.

"I repeat, where are you going? Balak mo ba akong iwan Ashleene?" Saad nya. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nya sa akin. Oops. Mukha atang mabilis magbago ang mood nya.

I gathered all my courage at umupo sa kanyang tabi. "I'm not going anywhere Freyja. Hindi kita iiwan." Mahinahon kong saad.

"Don na lang ako sa kabilang kwarto matutulog. Dito ka na sa master's bedroom." Dagdag ko pa. Gusto kong maging comfortable sya. I will give her a personal space.

"No Ashleene." Nakita kong umiling-iling pa sya. Napakunot-noo naman ako dahil don. What does she mean by that?

"Dito ka matutulog. We'll sleep together with your bed." She said with finality on her voice. Automatic na napanganga ako dahil don. Tama ba ako nang pagkakarinig? 

"W-What?" Hindi makapaniwalang turan ko. "B-But hindi ba——" Mabilis na natuptop ko bigla ang aking bibig. Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang sinamaan ako ng tingin ni Freyja.

"No buts. Hindi ka pwedeng tumanggi sa akin." Madiin nitong saad. "Now, come here." I gulped. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na sinunod sya.

Damn. Pagdating talaga kay Freyja ay napapatiklop ako.

Now, we're in the same bed. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. I find it awkward. Aish. Hindi ko talaga naimagine na makakatabi ko si Freyja, ang babaeng crush ko.

How to Stop an Obsessive Love?Where stories live. Discover now