3 pain

18 2 1
                                    

Erl POV:
Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan ko na siyang tinalikuran. Agad kong tinakpan ang aking bibig upang pigilan ang pagkawala ng malakas na hikbi, kahit na nanghihina ay pinilit ko paring ihakbang ang aking mga paa palabas sa kanyang bahay. Isang lingon muna ang aking iginawad habang sinasaulo ang kabuoan ng bahay na siyang naging saksi sa lahat ng nga ngiti at paghihirap ko. Unti unti kong hinakbang ang aking paa at tuloyan ng umalis sa lugar na iyon......
_____________
Dalawang linggo na ang lumipas simula ang pangyayaring iyon sa dalawang linggo na iyon ay naging mahirap para sakin ngunit masasabi kong unti unti na naman akong nakakabangon sa bangungut na nangyayari sa buhay ko. Napabaling ang aking atensyon ng tumunog ang aking cellphone I just sigh ng makita ko kung sino ang caller.

"ANO NA NAMANG KAILANGAN MO!? KING INA PANG-ILANG TAWAG MO NA BA TO?" Nanggigil na sabi ko sa kanya. Iyong mokong na iyon ay dalawang linggo na rin akong ginugulo.

Mas lalong umusbong ang aking galit ng marinig ko pa ang mahina nitong tawa sa kabilang linya.

"Relax babe masyado kang high blood gusto lang naman kitang kumustahin at ayaing lumabas bukas" Ani pa nito na syang nagpakunot ng aking noo.

"Bakit naman ako papayag na lumabas kasama ka?" Mataray na saad ko pa sa kanya.
"Kase gwapo ako!?" Walang kwentang sagot nito tsk isa talaga siyang dakilang hambog.
"K bye!" Ibaba ko na sana ang tawag ng nagsalita ulit ito.

" Wait babe paghindi ka talaga pupunta bukas iisipin kong may gusto ka sakin" Sabi pa niya at malakas na tumawa.
"Che!! Letche kang lalaki ka abnoy" saad ko pa at ibinaba ang tawag I just sigh at humiga ulit sa kama. Bigla umilaw ang aking selpon na ibig sabihin ay may nagtext sa aking isang irap ang aking pinakawalan ng makita kong sinend niya ang oras at lugar kung saan kono kami magkikita tsk.........

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now