28 pain

15 2 0
                                    


Erl POV:

            Kinaumagahan ay maaga akong pumasok lalo pa at tambak ngayon ang maraming pipirmahang papelis sa aking lamesa. Nang papasok ako sa aming building ay agad na sumalubung sa akin ang iba't ibang ginagawa ng aking mga empleyado ngunit ang nagpakuha sa aking atensyon ay si daisy na tulalang naglilinis sa sahig dahil naging janitress ito simula ng natanghal ako bilang bagong CEO. Dahan dahan at puno ng pag-iingat kong hinakbang ang aking mga paa papunta sa kanyang direksyon ng makarating ako sa kinaroroonan nito ay agad akong nagsalita.

               "Hindi ako nagpapasahod sa mga iresponsabling empleyado sa aking companya" Madiing sabi ko rito na siyang nagpabalik nito sa kanyang ulirat. Marahan ko siyang tinignan at tsaka humalukipkip.

              "Paki mo" puno na inis na sabi nito na siyang nagpaayos sa akin ng tayo at nagpapuyos sa akin ng galit..
 
              "How dare you para sagutin ako ng ganyan isa kalang namang hamak na trabahanti ko at ako ang boss mo" Nanggigil na saad ko pa....this bitch really getting in my nerves. Para naman itong natauhan at marahang napayuko na siya ikinakunot ko dahil para itong wala sa sarili.

                "You're fired" Walang buhay na sabi ko na siyang ikinabato nito agad akong tumalikod ngunit bago pa man iyon mangyari ay hinawakan nito ang kamay ko.

             "N-o parang awa mo na erl wag mokong paalisin sa trabahon ko lalo pa at kailangan ko ng panggamot sa nanay ko" Nanginginig na sabi nito na ngayon ay nakaluhod na. Agad na bumaba ang aking tingin rito at tsaka tinitigan siya ng mabuti.

               "AWA HAHAHA bitch marunong ka palang kumilala ng salitang AWA" Mapang-asar na sabi ko na siyang ikinapula ng mata nito.

               "Eh hindi ba ay nong ako ang naghingi sayo ng salitang yan ay nagbingibingihan ka lang" Dugtong ko pa at diniinan ang pagtitig sa kanya ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa akin.

                "I-m s-orry" Agad akong nabato sa aking kinatatayuan ng sabihin niya ang katagang iyon. Hindi....hindi dapat ako maniniwala sa kanya lalo pa at minsan na rin niya akong napaikot sa kanyang mga palad. Pagkumkumbinsi ko pa sa aking sarili. Walang pasubaling kong tinanggal ang kanyang kamay at tsaka tumalikod na ngunit bago pa iyon ay na rinig ko pa ang paghagulhul nito na siyang nagpapikit sa akin.

                "Kung ang salitang SORRY ay maibabalik ang buhay ng anak ko, ibibigay ko sayo ang salitang AWA na gusto mo" Puno ng hihinakit na sabi ko at tuluyan na siyang tinalikuran.

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now