22 pain

21 2 0
                                    


Erl POV:

         Kinabukasan ay maaga akong gumising upang pumasok sa trabaho. Kampanti naman akong iwan ang anak ko sa mansion lalo pa at makakatiwalaan lahat ng tao rito na siyang inatasan ng mga magulang kong mamahala.
             Matapos akong magbihis ay agad akong lumapit sa direksyon ng anak ko at hinalikan ang kanyang noo. Naibilin ko na rin siya sa mga kasambahay rito. Agad akong dumiritso sa garahe kung saan nakaparada ang aking limousine  pinatunog ko muna ito at saka pumasok sa loob at nagsimula na akong magmaneho.
_________________

              Isang malakas na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago lumabas sa aking sasakyan habang dala dala ang aking bag. Taas noo akong naglakad papuntang entrance at saka magiliw na nginitian ang bawat nakakasalubong na tao kita sa mata nila ang paghanga sa akin habang sumusulyap sa direksyon ko.

              "Good morning ma'am" Magalang na bati ng ibang empleyado na nakakilala sa akin agad ko lang silang tinanguan at nagpatuloy sa paglalakad. Rinig ko pa ang bawat pagtunog ng aking takong sa bawat hakbang na aking gagawin. Pumasok ako sa elevator at saka pinindot ang floor ni jard. Agad kong hinanda ang aking matamis na ngiti at tsaka tinungo ang kanyang secretarya.

               " Ouh hi dear daisy" Magiliw na saad ko pa rito. Agad naman itong nag-angat ng tingin sa akin at nanlaki ang mga mata, lalong lumaki ang aking ngiti at tsaka siya kinindatan.

               "Limang taon na ang lumipas ngunit dakilang secretarya ka pa rin niya"  Natatawang ani ko gamit mapang-uyam na boses. Ramdam ko ang pag-usbong ng galit nito na mas lalong nagpangiti sa akin.

                "Bat ka pa bumalik!?" May diing sabi nito sa akin ngunit mahahalatang takot ito sa bawat bigkas ng kanyang salita. Pinapanatili ko ang matamis na ngiti kahit sa kaluob luoban ay tahimik ko siyang pinapatay.

                  Lumapit ako rito at saka mahinang bumulong na mas ikinagulat niya at pagkatalisod sa kinatatayuan.

                "Kase may dalawang taong may malaking utang sa akin na dapat nilang pagbayaran" Madilim ngunit Mapaglaro kong sabi sa kanya hinawakan ko pa ang kanyang balikat na nanginginig.

Do I need to Suffer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon