29 pain

17 2 0
                                    


Erl POV:

         Sa sumunod na araw ay naging madalas ang pagpunta ni daisy sa aking companya dahil gusto nitong bumalik sa trabaho ngunit agad ko itong pinapaharangan ng mga guards upang hindi makapasok. Pansin ko rin ang hindi na pagpapakita ni jard sa trabaho na siyang nagpapataka sa akin.

              Nang matapos na ako sa lahat ng gawain sa opisina ay marahan akong naglalakad papuntang parking lot kung saan ako susunduin ni zach dahil hindi ko dinala ang aking sasakyan. Habang naghihintay ako kay zach ay agad akong napasinghap ng makita ko ang bulto ni daisy papalapit sa aking direksyon.

               "E-rl!? Sige na naman ouh pabalikin mo na ako sa trabaho kailagan ko ng pera para sa pamilya ko" Agad na salubong nito sa akin habang puno ng luha ang kanyang mga mata.

                "Ano ba daisy hindi ka naman siguro bobo para hindi makaintindi ng salitang tanggal ka na diba bakit ba paulit ulit mong pinipit ang sarili mo" Nanggigil na sabi ko ngunit hindi ko mapigilang mahabag sa sitwasyon nito lalo pa at gusot na gusot ang damit nito at gulo gulo ang kanyang buhok kung titignan mo siya ng mabuti ay masasabi mong para siyang taong palaboy.

                "P-arang a-wa m-una erl walang wala na ako kahit ano pa ang ipagagawa mo sa akin ibalik mo lang ako sa trabaho ko" Nagpupumilit na sabi nito ngunit sa oras na iyon ay agad akong napapikit Hindi dahil sa sa inis dahil naawa na talaga ako sa sitwasyon niya pero mas malaki ang parte sa akin ang kinasusuklaman ang kabuoan nito.

            "King-ina paulit ulit na lang eh ang kapal din naman ng mukha mo no sa akin ka pa nanghingi ng pabor eh may malaki kang kasalanan sa akin ahh... Sinira mo buong pagkatao ko at ang pinaka masakit sa lahat ay pinatay mo ang anak ko" Walang tigil na tumulo ang aking luha dahil bumalik sa akin ang lahat ng alaala na matagal ko ng ibinaon sa limot.. ang mga ginawa sa akin ng babaing ito kaya anong karapatan niyang magmakaawa sa akin.

            "H-indi pa ba sapat ang paghihiganti mo erl para pagbayaran ko lahat ng kasalanan ko... Oo tignan mo gumagapang na ako sa hirap masaya ka na huh!! masaya kana!?" Nabigla ako sa sinabi nito oo at naghiganti ako dahil kinuha ko lahat ang meron siya pati na rin ang kay jard pero hindi ko alam parang may sumampal sa akin sa realidad.

          "Kung gumagapang ka sa hirap erl pwes ako pinatay mo ako sa panahong nangangailangan ako ng tulong mo" Saad ko pa hapang nanginginig ang mga lapi dahil sa tindi ng galit na naramdaman.

Do I need to Suffer?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant