17 pain

17 2 0
                                    


Erl POV:

           Mahina kong hinila ang laylayan ng aking damit ng marinig ko na naman ang mahinang bulong na iyon. Rinig ko pa ang mahinang tawa nito habang sinasabi na "wala akong kwentang ina".  Marahan kong inuntog ang aking ulo sa dingding upang ma wala ang boses na iyon ngunit mas lalo lang itong lumakas na siyang naging dahilan upang sabunotan ko ang buhok ko. Agad akong tumayo sa pagkaupo at tinuro ang pader na nasa aking harapan.

               "WALA KANG AWA DAISY PAGSISIHAN MONG SINAKTAN MO ANG ANAK KO" Sigaw ko pa at marahang natawa sa naisip. Umiling ako at marahang humakbang paatras habang hawak hawak ko ang buhok ko. Bumalik ako sa aking pwesto kanina at niyakap ang aking tuhod.

              "Sinong nag sabi na papayag ako na saktan niyo ulit ako jard at daisy" mahinang bulong ko at sinabayan ng isang tawa.

              "Magkakamatayan muna tayo bago niyo masaktan ang anak ko" Dugtong ko pa  habang ramdam ko ang pagtulo ng aking luha. Hindi!!.. hindi!!.… ako iiyak sabi ko sa sarili ko at marahang umiling. Ngunit agad akong napasigaw ng hindi tumigil ang pagdalong ng masaganang luha sa aking mata.

               Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa dingding habang yakap yakap ang aking tuhod. Paulit ulit kong inuntug ang aking ulo ng makarinig ako ng iyak ng bata agad akong natigilan ng makaramdam ako ng masaganang pagdaloy ng isang liquido sa aking mukha. Agad ko itong hinawakan ngunit nanlaki ka agad ang aking mata ng Makita kong dugo iyon.

             "D-ugo!!!!" Nanginginig na sabi ko at hindi ko mapigilang mapatayo ulit at nagsimulang magwala dahil sa matinding takot na naramdaman.

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now