25 pain

15 2 0
                                    


Erl POV:

           Nang matapos na ang aking trabaho ay agad na akong umalis sa opisina at umuwi na ng bahay. Miss ko na rin ang anak ko lalo pa at minsan na lamang kaming makapagbonding dahil naging busy ako sa trabaho.

                    "Baby Luca mommy is here!!". Masayang bungad ko pa ng papasok ako sa aming sala. Agad akong napangiti ng marinig ko ang nagmamadali nitong pagbaba.

                 "Moooommy" Magiliw na saad ng anak ko natawa pa ako dahil minsan lang itong maging sweet dahil napaglihi ko yata ito sa sama ng loob.

                  "Hi baby how's your day!?" Nakangiting tanong ko pa rito habang hawak hawak ang kanyang pisngi agad naman niyang ginantihan ang aking ngiti at masoyong binulupot ang kanyang maliit na braso sa aking bewang.

                "My day is fine mommy actually tito zach visited me earlier, he also brought my favorite books that's why I like him for you mommy" Nakangiting ani pa nito ngunit agad akong nagulat sa huli nitong sinabi. Ano na naman kayang ginawang kasulsullan ni zach sa anak ko...

              Matapos ang lambingan at kulitan namin ng anak ko ay agad itong makatulog. Marahan kong hinahaplos ang kanyang buhok, Isa sa mga dahilan ang anak ko kung bakit ako lumalaban siya na lang at ang pamilya ko ang unang pinagkukunan ko ng lakas ng loob sa bawat araw na lumipas. Pero hindi rin naging madali sa akin ang pagpapalaki sa kanya lalo pa at naging baliw ako sa loob ng dalawang taon minsan lang makakalapit ang anak ko sa akin kapag tinurukan na ako ng pampatulog doon bubuhatin siya ni mommy at pinapadede sa akin. Laking pasasalamat ko at gumaling ako sa awa ng diyos kaya sa tatlong taon sa states ay ginugul ko ang oras sa pagbabantay sa aking anak na si Luca. Malaki din ang pasasalamat ko sa magulang ko na siyang nagprocesso ng annulment papers sa panahong baliw pa ako.
__________________
                  Lunch na ng bumaba ako sa aking opisina papuntang cafeteria na nasa ikatlong palapag ng building na ito. Nang matapos akong bumili ng makakain ay agad kong inilibot ang aking tingin upang humanap ng lamesa kung saan kakain. Ngunit hindi yata umaayon ang araw na ito sa akin lalo pa at ang tanging bakanting upuan ay ang lamesa lang nina jard at daisy na tahimik na kumakain.

                 Marahan akong naglakad papunta sa kanilang lamesa habang nag-iipon ng lakas ng loob..... ng nasa tapat na ako sa kanilang lamesa ay sabay silang napatingin sa akin. Kahit na kinakabahan ay taas noo ko pa rin silang tinitigan.

              "Makikiupo lang ako wala na kasing bakanting upuan" Mahinahon kong sabi habang umuopo sa bakanting upuan sa kanilang harapan. Ramdam ko ang masamang tingin ni daisy habang si jard naman ay nagpatuloy sa pagkain. Dahil kunti lang naman ang pagkain ko ay nauna akong tumayo sa kanila. Ngunit agad akong napangiti ng may maisip ako kalukuhan.

              "O-uch!!" Mahinang daing ko pa ng umakto akong natapilok sa gilid ni jard mabilis pa sa alas kwarto ito tumayo at agad akong nasalo. Palihim akong tumatawa habang nakita ko ang hindi maipintang mukha ni daisy habang nakatingin sa braso ni jard na kapulupot sa aking bewang. Tignan natin kong hindi ka mamatay sa selos.

             "Aray!! Masakit talaga jard I think I can't walk to my office" Maarteng sabi ko pa habang pasimpling pinupuluput ang aking braso sa batok ni jard. Mas lalo akong nagbunyi ng maramdaman ko ang pag-angat sa sahig. Ng maglakad na si jard ay agad kong nilingon si daisy at tsaka kinindatan.

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now