15 pain

16 2 0
                                    


Jard POV:

              God knows na binalikan ko si erl sa bahay kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko para lamang madaling makarating. Ngunit agad akong nagulat ng dugo na lang ang meron don at walang bakas na erl na aking nakikita.

              Nong bumalik ako sa ospital ay isang masaklap na balita ang sumalubong ka agad sa akin. Sabi ng doctor ay Nakunan si daisy lalo pat mahina ang kapit ng bata. Wala akong sinisi kung hindi ang sarili ko naaawa ako sa kalagayan niya habang namumutla at may nakakabit na mga apparatus rito. Hindi ko mapigilang maisip kong kumusta si erl kung ligtas ba ang anak naman o hindi agad akong napapikit dahil sa mga posibilidad na mangyayari.

             Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko kay erl isa akong malaking gago sa buhay niya. Tatlong araw ang lumipas ng malaman ko kung saang ospital nakaconfine si erl walang pagdadalawang isip kong tinungo ang nasabing lugar........

             Pagkabukas ko pa lamang sa kanyang pintuan ay Nakangiti ito himarap sa akin na para bang may inaabangang dumating ngunit agad din namang naglaho ng makita niyang ako ang pumasok. Humakbang ako papalapit sa kanya ngunit agad siyang nanginginig kaya naman ay napahinto ako.

                "W-ag k-ang l-umapit parang awa mona w-ag k-ang l-umapit" Mahina at nanginginig pa na sabi nito na siyang naging dahilan ng pag-usbong ng aking awa para sa kanya. Agad na gumuhit sa aking mukha ang sakit habang sinasabi niya iyon. Sinubukan ko ulit itong lapitan ngunit dumikit siya sa sulok habang hawak hawak ang kanyang tuhod.

            " DIYAN KA LANG WAG KANG LUMAPIT" Takot na sigaw nito na para bang sasaktan ko siya paglumapit ako nagsusumamo ko siyang tinignan.

             "M-y w-ife I am sorry" basag ang boses ko ng banggitin ko iyon yan ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin para sa kanya ngunit naduduwag ako at wala akong lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya.

              "IKAW!! PINATAY MO ANG ANAK K-O!" Agad akong nagulat sa sinigaw niya sakin na naging dahilan ng pagkabato ko. Sabay kaming napalingon ng bumukas ang pintuan at iniluwa iyong lalaki na kasama niya sa party na pareho naming dinaluhan.

              Humahangos pa ito at nagmamadaling l-umapit sa asawa ko habang kinukolong niya ito sa kanyang mga braso. Galit ang bumalatay sa aking sistema. Ngunit wala akong magawa dahil takot sa akin ang asawa ko.

              "Babalik ako at kukunin ko ang asawa ko"

Do I need to Suffer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon