18 pain

20 2 0
                                    


Erl POV:

             Agad kong minulat ang aking mata ng maalimpungatan ako, ramdam ko ang pagsakit ng aking ulo at puting binda na nakalagay rito. Isang puting dingding ang sumalubong sa akin. Tahimik kong nilibot ang aking paningin saloob ng aking silid, binalik ko ulit ang pagtitig sa dingding at sinamaan iyon ng tingin magsasalita na sana ako ng maramdaman ko ang pagbukas ng pintuan. Dahil sa takot ay agad akong bumaba sa kama at patakbong nagtungo sa sulok.

              "You deserve that erl" Rinig kong sabi sa babaing nasa aking harapan, agad akong nabato sa aking kinaroroonan ng makilala ko ang boses na iyon Hindi ako pweding magkamali si daisy iyon dahil saulo ko ang bawat ditalyi ng hayop na iyon.

          Marahan kong inangat ang aking ulo kasabay non ay ang pagtagpo ng aming mata. Walang pasubaling akong tumayo at hinila ang kanyang buhok ramdam ko ang pagpupumiglas nito ngunit mas nilakasan ko pa ang pagsabunot.

             "PAPATAYIN KITA HAYOP KA PAPATAYIN KITA" Malakas na sigaw ko pa rito, kalmot at sabunot ang na tanggap niya galing sa akin rinig ko pa ang malakas na sigaw at paghingi ng tulong habang ginagawa ko iyon.

               Agad akong napahiwalay ng may humila sa akin papalayo sa kinaroroonan ni daisy, nagpumiglas ako sa paghawak niya sa akin.

                "Fuck daisy sabi ko wag kang lumapit sa kanya" Rinig kong galit na boses ni jard na siyang nagpahinto sa akin.

              "BALIW SIYA JARD ISA SIYANG MALAKING BALIW" Sigaw ni daisy habang hawak hawak ito ni jard. Napaatras ako at napatakip sa tinga ng paulit ulit kong naririnig ang salitang "BALIW".

               "HINDI!! HINDI!! AKO BALIW" Nanginginig na sigaw ko pa habang mas diniinan pa ang pagtakip sa aking tenga. Umiling iling ako at malakas na sumigaw.

               "AHHHHHHHHHH" Malakas na sigaw ko pa  ngunit agad akong ng hina ng may napansin akong itinurok sa akin ng isang nurse na hindi ko mn lang na malayan na nasa aking tabi.

               Bago pa mn ako mawalan ng malay ay isang luha muna ang kumawala galing sa aking mata habang unti unting bumababa ang talukipkip ng aking mata.

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now