16 pain

16 2 0
                                    


Zach POV:

                Simula ng dumalaw si jard kay erl ay malaki na ang pagbabago nito dahil madalas na itong bumubulong mag-isa minsan naman ay tatawa o di kaya ay iiyak. Isang araw panga ay naabotan ko itong mismong sinasaktan ang sarili niya.

                  Sa mga araw na nagdaan ay naging mahirap para saking tignan siya lalo pa't napalapit na si erl sa akin. Nasasaktan ako pagnakikita Kong bigla na lang tutulo ang luha niya at mahinang bumubulong na "sorry anak hindi ako naging mabuting ina" masakit dahil sinisisi niya ang sarili niya dahil sa pagkawala sa anak niya. 

              "Doc. Tuluyan na ba siyang mababaliw!?" Mahina at mahinahon kong sabi sa katabi kong doctor habang pareho naming pinagmamasdan si erl na nakadikit sa sulok at tulalang nakatingin sa kawalan. Rinig ko pa ang marahang pagbuntong hininga ng doctor at marahang pagtapik sa aking balikat.

                 "Sa sitwasyon niya ay masasabi kong hindi siya tuluyang mababaliw kung madali natin iyong maagapan, dapat iparamdam natin na hindi siya nag-iisa dapat din natin siyang ilayo sa mga bagay na maaring makapagpalala sa sitwasyon niya." Marahan akong tumango sa sinabi ng doctor at ngumiti rito.

                "Mauna na ako sayo ijo ikaw na ang bahala sa kanya lalo pa at ikaw na lang ang nandiyan sa tabi niya" Mapait na sabi ng doctor at tuluyan na akong nilisan. Tinawagan ko na rin ang mga magulang niya na ngayon ay kasalukuyang nakatira sa states siguro ay nandirito na sila sa mga susunod na araw. Hindi rin naman naging mahirap para sakin na alamin kong sino ang mga magulang niya lalo pa at isang sikat na business tycon ang ama nito.

              "Erl!!" Mahinang tawag ko parito at dahang dahang lumapit sa kinaroroonan niya. Agad itong nag-angat ng tingin sa aking at nanlaki ang mga mata, marahan pa niyang inangat ang kanyang hintuturo habang nanginginig na nakaturo sa akin. Agad akong napapikit dahil pati ako ay di niya na rin makilala.

                 "J-ard w-ag m-ong k-ong l-apitan" Takot na sabi nito habang tuliro ang mga matang nakatuon sa akin. Agad akong tumalikod sa kanya at sininyasan ang private nurse na nagbabantay sa kanya na siya muna ang bahala rito agad naman itong nakaintindi at marahang tumango. Pagod kong binuksan ang pintuan at tahimik na nilisan ang kanyang silid.

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now