23 pain

18 2 0
                                    


Erl POV:

          Matapos kong sabihin kay daisy iyon ay agad na akong tumalikod sa kanya. Palihim akong nagbunyi lalo pa at halatang natakot ito tskk pano pa kaya kong tutuhanin ko ang nasa isip ko. Nang buksan ko ang opisina ni jard ay agad bumungad sa akin ang mukha nito na nakatutuk sa papelis na binabasa.

            "Good morning Mr. Fuentes slash my loyal EX-HUSBAND" Puno ng sarkastikong saad ko rito na siya ikinaangat ng kanyang tingin  walang pasubaling itong tumayo at ilang bisis pang kumarap lihim akong napatawa dahil para itong nakakita ng multo.

              "Parang pumayat ka yata jard hindi ka ba naalagaan ni daisy" Mapang-uyam na sabi ko sa kanya habang hinahagod ko ng tingin ang kanyang kabuuan marahan pa itong yumuko at tinignan ang sarili.

              "You look pathetic I ashamed my self thinking that I love someone like you" Madiing sabi ko at dahan dahang lumapit sa kanya.

              "A-nong ginagawa mo dito erl" I chuckled ng marinig ko ang sinabi nito at saka ko siya tinaasan ng kilay.

             "Don't tell me jard nakalimotan mong dalawa tayong nagmamay-ari sa kompanyang ito" Nakangising ani ko habang patuloy na nililibot ang kanyang opisina. Pinalandas ko pa ang aking daliri sa kanyang mini library at saka inangat iyon at marahan kong tinignan ang aking daliri agad akong napangiwi ng makita kong may alikabok na nakadikit rito walang pasubaling kong pinagpag iyon sa aking damit. Bumalik ako sa pagkaharap rito at saka siya nginitian ng matamis.

             "Anong gusto mong mangyari" Blangkong expression na sabi pa nito. I smirked at saka dahan dahang lumapit sa kanyang kinaroroonan. I tiptoe at marahang hinaplos ang kanyang batok napangisi ako ng naramdaman kong apektado ito sa aking ginawa.

            "I want to be the CEO of your company" Ani ko habang dinampian ng halik ang kanyang tenga ramdam ko ang pagtaas baba ng kanyang Adams apple na syang lalong nagpabunyi sa akin.

            "A-ko a-ng CEO erl kaya you don't have the right para magdesisyon na palitan ako" Ramdam ko ang tensyon sa bawat bigkas nito agad akong umayos ng tayo at tsaka tinaasan siya ng kilay.

            "Then ang mga board of directors ang hahayaan nating magdesisyon jard kung sino ang magiging CEO sa ating dalawa" Mapaglaro kong sabi sa kanya at tsaka siya tinalikuran. Taas noo ulit akong naglakad papalabas ng buksan ko ang pintuan ay agad na sumalubung sa akin ang tulirong mata ni daisy. Hindi ko na siya pinansin at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon. Tsk sayang lang pala ang damit ko akala ko pa naman magsisimula na ako ngayon.

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now