21 Pain

17 2 0
                                    


Erl POV:

5 years later........

             Nang landing na ang eroplano sa airport ay agad na sumalubung sa amin ang init na panahon ng pilipinas. Dahan dahan akong bumaba habang hawak ang kamay ng anak kong lalaki.... Hindi ko sinunod ang apelyido ni jard para ipangalan sa bata dahil Hindi ko maatim na ipangalan sa kanya iyon.

              "Erl Marie!?" Malakas na tawag ni zach sa akin na naging dahilan upang mapapikit ako sa inis. Shit bat ang lakas ng boses ng mokong na ito. Malaking pagkakamali yata na siya ang inutusan kung sunduin kami.

            "God zach!! Nakakahiya ka bat ka ba sumisigaw" Nanggigil na saad ko pa habang taas baba ang kilay.

              "Ouh!? shit Erl sorry sabik kase akong lapitan ka kaya hindi ko na mapigilang sumigaw" Nakangising sabi pa nito habang sinabayan ng kindat na siyang nagpairap sa akin.

             "Mommy who is he?" Malamig na saad ng anak ko habang hinagod ng tingin si zach mula ulo hanggang paa agad ko naman itong sinaway dahil nahihiya ako sa paraan ng pagtingin nito sa lalaki.

                 "Siya na ba  ang anak mo erl!?" Nanlaking matang tanong ni zach sa akin habang namamanghang napatingin sa anak ko. Isang tango at ngiti na lamang ang aking iginawad sa kanya.

                 "What's your name young man" Tanong pa ni zach sa anak ko na ngayon ay Nakasimangot na, natawa naman ako dahil alam kong naalibadbaran na ito sa prisinsya ni zach ayaw pa naman nito ng maingay.

                "Everhart Luca Arlo Montgomery but you can call me luca for short" Simpling saad ng anak ko at hinigpitan ang pagkakapit sa aking kamay.

               "Wow erl ang haba ng pangalan ng anak mo nakaka nose bleed......." Madaldal na ani nito habang papasok kami sa kanyang kotse.

                Tahimik lamang ako habang nasa byahe at iniisip kung ano ang mangyayari sa susunod na araw lalo pa at magsisimula na akong magtrabaho sa kompanya ni jard o mas mabuting sabihin na kompanya naming dalawa dahil kalahati ng shares sa kompanya niya ay galing sa akin.

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now