20 pain

19 2 0
                                    


Erl POV:

            Tahimik akong nakatitig sa puting pader sa aking silid ng may biglang umupo sa aking harapan. Blangkong expression ko ito tinignan ngunit agad akong nagulat ng mapagtanto kong magkaparehas kami ng mukha ngunit halata na ang kanyang katandaan.

          Mas nabigla pa ako ng hinawakan nito ang aking pisngi tatayo na sana ako ng bigla akong nabato sa aking kinaroroonan ng may pumatak na luha galing sa kanyang mata. Hindi ko mapaliwanag ang aking naramdaman ng makita ko siyang umiyak sa aking harapan ng kumawala ang mumunting hikbi nito ay hindi ko na napigilang mangilid ang aking luha.

                 "A-nak k-o j-usko a-nong n-angyayari s-ayo" Basag ang kanyang boses ng sabihin niya iyon. Agad na may pumatak na luha sa aking mata ngunit blangkong expression ko pa rin siyang tinitigan. Agad na pa angat ang aking  tingin ng may babaing lumapit rito na sa tingin ko ay matanda sa akin ng ilang taon. Nagtagpo ang aming tingin at masasabi kong halata ang namumugto nitong mata dahil sa pag-iyak.

                 Agad akong nataranta at napatakbo sa sulok ng marinig ko ulit ang iyak ng bata. Nanginginig na tinakpan ko ang aking tenga dahil sa takot.

                   "E-rl A-nak jusko" Nahihirapang saad ng ginang ng ngayon ay kinulong ako sa kanyang mga braso. Rinig ko rin ang malakas na hagulhul ng babaing kasama niya kanina na ngayon ay niyayakap ng lalaking magkasingtanda ng babaing yumayakap sa akin. Isang sigaw ang aking pinakawalan ng marinig ko ulit ang iyak ng bata agad na humigpit ang yakap sa aking ginang.

                Nang kumalma na ako ay marahan niyang sinuklayan ang aking buhok sa bawat haplos niya ay Napapikit ako dahil sa sarap na dulot nito. Iniharap niya ako sa kanya at tsaka pinunasan ang aking luha tahimik niya iyong ginagawa sa akin habang mapait akong nginitian at dumapo ang kanyang mata sa maumbok kong tiyan. Marahang nanlaki ang kanyang mata at mabilis na nilingon ang dalawa na kanina pa tahimik nasa kanyang likuran.

                     "Uuwi kana ija ipapagamot ka namin ng daddy mo sa ibang bansa hanggang sa gumaling ka at babalik ka dito na wala ng takot sa mukha" mahinang sabi ng ginang habang pumapatak ang bawat luha sa kanyang mata.

Do I need to Suffer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon