11 pain

16 2 0
                                    


Erl POV:

Habang hila hila ni daisy ang aking buhok ay agad akong nagpumiglas sa paghawak niya agad akong nataranta ng nasa huling baitang na kami ng hagdanan papuntang kwarto. Laking gulat ko ng bigla niya lang akong itinulak dahil sa pagkabigla ay nahawakan ko ang kamay niya.

Sabay kaming gumulong dalawa sa hagdanan rinig ko pa ang iilang tawag at mura ni jard sa baba.

"Shit!? Daisy, erl what the fuck" dama ko ang pagkataranta niya habang binibigkas ang bawat salita kanyang Pinakawalan. Sabay kaming napadaing ni daisy ng tumama ang aming katawan sa sahig. Agad akong nataranta at Napahagulhul ng naramdaman ko ang sakit sa aking balakang at masaganang pagdaloy ng pulang dugo sa sahig.

"Y-ong b-aby ko jard y-ong baby k-o!!" Nanginginig na ani ko ng makita ko ang maraming dugo sa sahig. Nabigla ako ng malakas din na sumigaw si daisy at nahihirapang humingan nanlaki ang aking mata ng makita kong may dugo din siya.

Lahat yata ng dugo ko ay na wala ng makita kong mas inuna ni jard na buhatin si daisy kaysa sa akin. Kahit na nanghihina at puno ng luha ang aking mata ay pinili ko paring gumapang papunta sa kanilang direksyon bawat galaw ko ay agad akong napapikit at napadaing dahil sa sakit na dulot nito.

"Jard p-arang a-wa m-una w-ag m-o k-ong i-wan" Alam kong narinig niya iyon pero ka agad akong nanlumo ng patuloy lang itong naglalakad habang buhat si daisy na umiiyak din sa takot. Nanghihina mn ay pinilit kong abutin ang aking bulsa kung saan naka lagay ang aking cellphone. Nanginginig na tinipa ko ang numero ni zach upang manghingi ng tulong.

Dahan dahan parin akong gumapang papuntang pintuan habang hinihintay ang pagsagot niya sa tawag ko.

"Hello!?" Rinig kong tinig ni zach kahit na nanghihina ay pilit kong binubuksan ang aking mata.

"Z-ach t-ulungan m-o a-ko" yon ang huli kong sinabi at agad na nilamon ako ng kadilim.

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now