19 pain

18 2 0
                                    


Jard POV:

Ngayon ay napag-isipan kong dalawin si erl. Papaalis na sana ako ng bahay ng marinig ko ang tawag ni daisy sa akin iritado ko itong binalingan habang nakakuyom ang kamao.

"Pwede bang sumama ako sa pagbisita kay erl" mahinang sabi nito na siyang lalong nagpa-irita sa akin.

"NO!!" Madiing sabi ko pa rito at tumalikod na ka agad ilang hakbang pa lamang ang aking nagawa ay hinawakan nito ang aking braso.

"Sige na jard kahit na ngayon lang" Pagpupumilit pa nito gamit ang mapang-awang tingin. Agad akong napabuntong hininga napilitang tumango.

"Pero dapat ay wag kang lumapit sa kanya pag hindi ko sinabi" Madiing sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglakad.
________________
Nang makarating na kami sa ospital ay agad naming tinungo ang kanyang silid. Tahimik lamang na naka buntot sa akin daisy habang hawak hawak ang aking braso. Pagkarating namin ay agad na sumalubung sa amin ang lalaking palaging kasama ng asawa tsk......

Nasa labas lamang siya habang nakatingin sa kanyang cellphone agad namang napaangat ito ng tingin ng mapansin nitong may paparating. Blangkong expression ko lang siya tinignan habang papalapit kami sa kanyang kinaroroonan.

"Anong ginagawa niya dito!?" Galit na salubong nito sa amin agad na nangunot ang aking noo how dare him para pagbawalan akong bumisita sa asawa ko.

"Visiting her" Simpling saad ko rito. Tumawa ito ng pagak at saka ako mariin na tinitigan.

"Ang kapal din ng mukha mo Mr. Fuentes because in the fucking first place you don't have the fucking right to visit her, dahil ikaw ang naging dahilan kung bakit nagkaletche letche ang buhay niya" Galit na sabi nito sa bawat bigkas ng salita na kanyang Pinakawalan. Mariin ko siyang tinitigan mula ulo hanggang paa.

"Who don't have the right to ensult me" walang buhay na saad ko pa. Ngunit lalo yata siyang nagalit sa sinabi ko at binigyan niya ako ng malakas na suntok.

Sabay kaming napalingon sa loob ng marinig namin ang sigawan ng dalawang babae. Shit bat di ko mn lang namalayan na nawala na si daisy sa aking tabi. Agad kaming bumasok dalawa sa loob ng silid, Ka agad kong hinila sa daisy papalayo Kay erl na ngayon ay hawak hawak ng lalaking iyon.

"Fuck daisy sabi ko wag kang lumapit sa kanya" Galit na sabi ko rito habang nanginginig ito sa takot. Ngunit agad akong nagulat sa isinigaw nito na siyang nagpagunaw ng aking mundo.

"BALIW SIYA JARD ISA SIYANG MALAKING BALIW" Agad akong nabato sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang katagang iyon. Lahat kami ay napatingin kay erl ng sumigaw din ito.

"HINDI!! HINDI!! AKO BALIW" Nanginginig na sabi nito habang tinatakpan ang kanyang tenga. Agad namang may lumapit na nurse at tinurukan ito ng pampatulog. Ngunit bago paman ito mawalan ng malay ay isang luha muna ang pumatak sa kanyang mata.

Wala kaming nagawa ni daisy ng pinaalis kami ng doctor ng dumating ito. Kahit na makarating kami ng bahay ay wala ni isa sa amin ang bumasag sa katahimikan. Tulala ako habang nakaupo sa sofa at napahilamos sa mukha ng makita ko kanina ang kalagayan niya.

Do I need to Suffer?Where stories live. Discover now