Chapter 1

1K 42 8
                                    

Castillione

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Castillione

"Serena, ikaw ang gustong mag serve ng pogi doon sa table 6," sabi ni Shantel, kasamahan ko sa pinagtatrabahuhan kong restobar.

Dumako ang mata ko roon at nakita ang isang mestisong lalaki. Mukha siyang sporty type na lalaki. Kumindat siya noong magtagpo ang tingin naming dalawa. Kinilabutan ako dahil doon. Kahit sabihin pa nating pogi siya, nakakatakot pa rin kasi mukha siyang lasing.

Kinuha ko ang bucket na naglalaman ng inumin upang dalhin doon sa lalaki. Nilapag ko iyon sa wooden table na katapat niya at akmang aalis noong hawakan niya ang kamay ko.

"May kailangan pa po kayo?" tanong ko.

Ngumisi siya at tumayo. Umatras ako kasi ang tangkad niya at para akong nalula.

"My car is parked outside. How about you wait me there, get undress and let me taste you."

Nangilabot ako sa bulong niyang iyon. Otomatikong dumapo ang aking palad sa kaniyang pisngi. Mahina siyang tumawa at umiling.

"Hard to get. I like it."

"Waitress ako rito at hindi bayaran. Nagkamali ka ng pinuntahang lugar," matapang kong sabi.

Tumalikod ako at akmang aalis noong hapitin niya ang bewang ko at pilit hinalikan sa leeg.

Tinulak ko siya ngunit ang lakas niya. Halos maiyak ako pero walang pakialam ang iba sa amin lalo na't sa likurang parte 'to ng bar at madilim pa. May kanya-kanyang business ang mga tao.

"Ano ba!" singhal ko habang nagpupumiglas sa kaniya.

Bakit ba nangyayari sa akin to?

"Come on stop fighting me. Magkano ka ba?" Hindi ko akalain na may mga ganito pala talagang tao. Mukha ba akong bayaran? Matino naman akong magdamit, 'yon nga lang sa bar nagta-trabaho.

Naramdaman ko na lamang na wala ng humahalik sa leeg ko at pagtingin ko ay nakasalampak na iyong lalaki sa sahig.

"Pag ayaw, wag mong pilitin." Kalmado ngunit halatang seryoso ang boses ng lalaking nagsalita. Nakahawak ito sa kwelyo noong lalaking bumastos sa akin. Nagtataka naman ang tingin ng lalaking bumastos sa akin noong mapatingin sa lalaki.

"What the fuck?" sambit ng lalaking bumastos sa akin, halatang naguguluhan.

Akmang susuntukin pa sana noong lalaking nagligtas sa akin iyong lalaking nambastos, pero biglang dumating ang mga bouncer pati na rin ang manager.

"Serena, anong nangyari dito?" Halata sa boses ni manager ang galit. Matalim ang tingin niya sa akin noong balingan ang lalaking nakasalampak sa sahig.

"Sir, binastos po ako ng lalaking 'yan." Naiiyak kong sabi habang nakayuko.

I feel so humiliated. I feel so weak. Wala man lang akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Ganoon ba ako kahina?

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora