Chapter 2

730 43 4
                                    

Wake Up

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wake Up

Sabi nila masaya ang ma-inlove, pero sa sitwayson ko ay bakit nasasaktan ako? Nagmahal ba ako ng maling lalaki? Tama ba'ng mahalin ko si Fire kahit sa umpisa pa lamang ay alam ko ng hindi pwede? Na hindi pwede dahil langit siya at lupa naman ako? O dahil kahit kailan ay hindi niya magugustuhan ang babaeng katulad kong kayang ipagpalit ang katawan para sa mga pangarap?

Sa dinami-rami naman ng lalaki sa campus ay bakit kay Fire pa ako nahulog? Alam ko namang hindi siya seryoso pagdating sa pag-ibig, pero ito ako sige pa rin. Tanga na kung tanga. Pero gano'n pag nagmahal ka, eh. Kahit alam mong mali sige ka lang ng sige kasi mahal mo nga.

Hanggang kailan ba ako magiging tanga sa pag-ibig? Kailan ba ako matatauhan na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan? Siguro kapag narinig ko na mismo galing sa labi niya ay doon lang ako titigil. Pero kasi, eh...

Sa kama na lang ba talaga ako mahalaga para sa kaniya? Tuwing pinapaligaya ko lang ba siya ay doon ako maganda para sa kaniya? Kung sabagay, sino ba naman ako para magreklamo? Sa larong 'to, siya ang boss at ako? Ako ang napili niyang paglaruan.

"Anong ini-emo mo diyan?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at saktong papasok si Lianne sa pintuan.

Ngumuso ako. "Wala naman..." Alam kong mukha akong tanga para kay Lianne, pero ang sabi kasi ni Fire ay cute ako kapag nakanguso.

Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Nanatili akong nakaupo sa sofa habang tinitingnan ang pag-upo ni Lianne sa tabi ko.

Kung hindi dahil kay Fire, siguro ay wala ako rito ngayon at prenteng nakaupo. Paniguradong sa lansangan ako pupulutin pagnagkataon. Siya ang nagbabayad ng renta sa apartment ko.

Binibigyan din niya ako ng pera para pang-grocery at pambili ng mga kailangan ko. Noong una ay hindi ko tinanggap pero kalaunan ay tinanggap ko na rin lalo na noong wala akong mahanap na trabaho.

Noong malaman niyang naghahanap ako ng trabaho ay agad niya akong pinigilan. Ang sabi niya mag-focus na lang daw ako sa pag-aaral ko at sa kaniya. At ayon, nasobrahan ang pag-focus ko sa kaniya, na-inlove tuloy ako.

"Si Fire na naman ba? Ano? May bago na naman siyang flavor of the month- este week?" Nang-asar pa talaga 'tong isang 'to.

Hindi na ako sumagot kasi alam na rin naman ni Lianne ang totoo. Alam rin niyang nahuhulog na ako kay Fire at kahit anong pigil ko rito, eh hindi ko magawa.

Bakit kasi fortuitous event ang pag-ibig? Iyong tipong kahit anong gawin mo, hindi mo mapigilan kasi natural lamang itong dumadaloy sa sistema?

Napabuntong-hininga ako.

Pati ba naman Oblicon, huhugutan ko pa?

"Alam mo, frn. Imbes na magmukmok ka diyan at pumangit samahan mo na lang akong mag-shopping."

Napairap ako. "Ang hard mo, ha!"

"Natural! Kaibigan mo 'ko, eh."

Napailing na lamang ako.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now