Chapter 39

219 6 0
                                    

Promise

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Promise

"AHH!" daing ko noong masanggi ng malaking bato ang tuhod ko.

Bahagyang napamura si Fire na nasa tabi ko. "Let me see..."

Pagkatapos ay lumuhod siya upang mapantayan ang tuhod ko. "It's swollen. Mag-iingat ka kasi." He planted soft kiss on my knees before he stood.

Inilagay niya sa kaniyang harapan ang suot na travel bag at muling lumuhod sa harap ko.

"Ride me..." Bahagya akong namula dahil sa sinabi niya. Hindi ako agarang nakakilos kaya muli siyang nagsalita. "Stop thinking something. Get on my back, I'll carry you..."

Napanguso ako. "Ayoko! Kaya ko namang maglakad," katwiran ko.

"Just hop in, Serena! Baka mapano ka na naman..." Wala na akong nagawa kundi ang sumampa sa malapad niyang likuran.

"Mabigat ako," sabi ko dahil napansin kong nahihirapan siyang tumayo.

"I know!"

"FIRE!" Hinampas ko siya sa balikat dahilan para mapadaing siya. "Sorry," agad kong bawi.

I wrapped my arms around his neck as we started walking. Nasa kalagitnaan pa lamang kami ng bundok pero gusto ko ng bumaba sa likuran niya. Kahit hindi niya sabihin alam ko namang nahihirapan na siya. Mabigat na nga ang traveling bag niya tapos dumagdag pa ako.

Bakit kasi hindi ako biniyayaan ng pang-atletang energy? Ang lampa ko tuloy pagdating sa mga ganitong hiking...

"Bababa na lang siguro ako," sabi ko.

"No! Just enjoy the view there..."

"Pero nahihira—"

He cut me off. "Says who?"

Pagsabi niya no'n ay mas lalo niyang binilisan ang paglalakad. May mga pagkakataong napapadausdos kami pabalik dahil may kadulasan ang daan at idagdag pa sa nagpapahirap ang mga naglalakihang bato sa dinaraanan namin.

Hindi ko na alam kung ilang minuto kami naglakad ni Fire hanggang sa marating namin ang mismong falls. Doon na ako bumaba sa likuran niya at inilibot ang tingin sa magandang falls na nasa harapan.

"Ito na ba 'yon?" tanong ko.

"Yeah, this is only the first layer of Balagbag falls. We will stay at the 2nd layer for a greater view."

Tinahak namin ang paakyat nitong falls. Noong marating namin ang tuktok ay agad napawi ang pagod ko sa magandang tanawing bumungad. The mighty falls is beyond amazing. The water falling from it was magnificent and enchanting. Nakakalula ang taas nito at ang sarap mag cliff-jumping mula rito.

Habang inaayos ni Fire ang aming tent na gagamitin ay nilabas ko naman ang aking phone na nasa loob ng sling bag na dala ko. Kumuha ako ng maraming larawan ng falls at ang magagandang view na nakapalibot dito.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Onde histórias criam vida. Descubra agora