Chapter 38

242 9 0
                                    

Imperfection

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Imperfection

"PASENSYA NA po kayo, Mrs. Acosta. Medyo magulo," sabi ko sa matandang babaeng kakapasok lang ng apartment ko.

Ngumiti siya. "Ayos lang, hija..."

Bago ako pumuntang kusina ay pinaupo ko muna siya sa couch. Habang nagtitimpla ng juice na maiinom ay napapasulyap ako sa kaniyang gawi. Nakita ko ang kaniyang pagtayo at paglibot sa buong sala.

Dali-dali kong tinapos ang pagtitimpla ng juice at kumuha ng biscuits sa loob ng ref. Mabuti na lang talaga at nakapag-grocery ako, kung hindi wala akong maipapakain sa bisita.

"Mrs. Acosta," pagtawag ko sa kaniyang atensyon.

Lumingon siya at ngumiti. "Is this your work?"

Napatingin ako sa kaniyang tinuro. It is my painting of Fire.

Tumango ako bilang tugon at inilapag sa coffee table ang tray na dala. Akala ko ay uupo na siyang muli ngunit mas lumapit lamang siya sa painting ko.

"You have a talent," puna niya.

Nahihiya akong ngumiti bago nagpasalamat.

"Kumain po muna kayo," sabi ko.

"Sana hindi ka na nag-abala, hija," malumanay niyang sabi bago umupong pabalik sa couch.

Umupo ako sa kabilang couch na nakaharap sa kaniya. Nakatitig lamang ako sa kaniya dahil hindi ko talaga siya kilala.

Mahina siyang tumawa at tumingin sa akin. "Hindi mo ba ako namumukhaan, hija?"

Umiling ako. "Hindi po, pasensya na."

"It's alright! Ako 'yong babaeng nasa loob ng sasakyang naaksidente. That was month ago..."

Kumurap ako at napatitig sa kaniya ng husto. "Kayo po 'yon?" paniniguro ko.

"Yes. I am alive, and thanks to you..."

"Wala po 'yon, Ma'am!"

"Oh! Tita na lang. Tawagin mo akong Tita Celeste..."

Kahit nahihiya ay unti-unti akong tumango.

Masayang kausap si Mrs. Ac— I mean tita Celeste. Marami siyang naibahagi tungkol sa kaniyang buhay. Pati sa kaniyang anak na lalaki at sa yumao niyang anak na babae. Nabanggit din niyang magkasing-edad na sana kami ng namatay niyang anak pagnagkataon.

Maraming aral sa buhay akong natutunan kay tita Celeste lalo na pagdating sa pag-ibig. She experienced a lot and I guess that made her strong. I did not see any bitterness habang nagk-kuwento siya kung gaano siya kapalpak pagdating sa pag-ibig at pag-aasawa. At dahil doon ay humanga ako sa kaniya.

Panay din ang pasasalamat niya sa ginawa kong pagtulong sa kaniya noon at sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay may nabanggit siya.

"Gusto mo bang magtrabaho sa kompanya ko, Serena?" tanong niya na ikinagulat ko. Nagbibiro ba siya? "I heard you're an architect... And I own a construction firm." Ngumiti siya pagkatapos.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now