Chapter 41

294 8 0
                                    

Text message

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Text message

NAG-UNAT ako ng braso habang palabas sa shop. Kakatapos lang ng shift ko at kasalukuyan akong nag-aabang ng masasakyan. May humintong taxi kaya agad akong sukamakay.

Napasandal na lamang ako sa upuan dahil sa sobrang pagod. Buong magdamag akong nagtrabaho para man lang makabawi kahit paano.

"Dito na lang po," sabi ko sa driver.

Pagkatapos kong magbayad ay halos gumapang ako papasok ng apartment. Sobra akong inaantok at nananakit ang buong katawan ko...

Tatlong araw na ang lumipas noong ganapin ang birthday ni Fire. Pagkatapos nang gabing hinatid niya ako sa apartment ko ay hindi na kami nagkita.

Tumatawag naman siya na may inaasikaso siya at syempre wala naman akong magawa. Hindi rin naman ako pwedeng tumutol dahil alam kong may mga importanteng bagay din siyang kailangang unahin. Ayoko namang maging selfish at humati pa sa oras niya. Okay na ako sa simpleng pagtawag niya at mga text na pinapadala. Sa ganoong paraan parang kasama ko na rin siya.

Gustong-gusto ko siyang makasama. Gustong-gusto ko siyang yakapin at paulanan ng halik pero hindi ko kayang maging selfish dahil alam kong para sa future niya ang ginagawa niya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta noong dumating si Lianne. May mga dala siyang prutas at pagkain. Tumigil muna ako sa pagpinta para harapin siya.

"Hindi pa rin tapos 'yan?" tanong niya at nginuso ang canvas na tinatapos ko.

Umiling ako. "Malapit na."

Umupo ako sa kaharap na upuan ni Lianne. Agad akong sumandal dahil nangangalay na ang braso ko dahil kaninang umaga pa ako nagpipinta.

Humalukipkip si Lianna at sumandal din sa couch. "Wala kang work ngayon?"

"Wala ngayon. May pinuntahan ang boss ko," sagot ko.

"Great! Let's go shopping. Na-miss kitang bruha ka!" aniya.

Napangiti ako. "Talaga, ha? Eh, hindi mo na nga ako binibisita. Porket model ka na."

Lumabi ako pagkatapos.

"Sus! Sino kaya sa atin? Kung hindi ko lang nakita ang mga posts mo sa instagram hindi ko malalamang nag-ala dora ka na naman! Hindi ka man lang nagsabi..."

Ngumuso ako at tumabi kay Lianne. Pilit ko siyang niyayakap pero tinutulak ako ng bruha.

"Ikaw naman! Wag ka nang magtampo! Sige na, shopping na tayo..."

Hinarap niya ako ng nakangisi at pabirong tinulak. "Maligo ka na 'don! Ang baho mo!"

Tumawa ako. "Grabe siya, oh!"

Pumunta kami sa iba't-ibang boutique ni Lianne. Marami siyang biniling damit samantalang ako ay tumitingin-tingin lang. Ayokong gumastos sa mga ganitong bagay. Kuntento na ako sa kung anong meron man ako sa buhay.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon