Chapter 20

319 23 3
                                    

I love you too

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I love you too

From: Lianne

Happy Birthday, Se! Tanda mo na, wag nang tatanga-tanga ha? See you later. Mwaaah <3

Napangiti ako nang mabasa ang text ni Lianne. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang maliit na calendar na nakapatong sa side table.

December 3. 20th birthday ko na. Nakakatuwa na 20 na ako, pero nakakalungkot din dahil ibig sabihin hindi na ako masasabing teenager.

Chineck ko uli ang cellphone ko at nagbakasakaling may text galing sa kaniya ngunit wala kahit isa. Siguro masyado siyang busy kaya kahit isang text hindi niya magawa.

Kung sabagay, bakit ba naman ako nag-e-expect sa kaniya? Hindi naman kami. Oo, mutual nga ang nararamdaman namin sa isa't-isa, pero 'yon lang 'yon kaya wag ka nang mag-expect, Serena! Dapat masaya ka, kasi birthday mo!

Humugot ako ng malalim na buntong hininga.

Nakanguso ako habang naliligo. Sabado ngayon pero marami akong kailangang tapusin. May mga plates akong kailangang ipasa next week at ang kabuuan ng plano para sa Christmas Ball kailangan ko nang maipakita sa dean ngayong week.

Pagkatapos kong maligo ay nag-check muna ako ng social media accounts ko. Puro pagbati ang laman ng timeline ko kaya naman ni-like ko na lang lahat. Sayang naman ang effort nilang bumati. Noong tamarin na ako ay sinimulan kong gawin ang ibang details para sa Christmas Ball. Kumain at nagpahinga muna ako bago umpisahan ang paggawa ng plates. Sabi kasi ng doctor, bawal akong ma-stress at malipasan ng gutom.

Nasa kalagitnaan ako nang paggawa ng plates nang may pumasok sa sala. Hindi na ako nag-abalang tingnan dahil amoy pa lang alam ko ng si Lianna.

"SE! BAKIT KA KUMAKAIN NG ICE CREAM?" Nabigla ako sa sigaw niya kaya naman nabitiwan ko ang ice cream na nilalantakan ko. "BAWAL KA NIYAN, 'DI BA?"

"Ang ingay mo, Lianna." Suway ko sabay takip sa tainga ko.

Nakakahiya naman kasi sa mga kapitbahay! Diyos ko, eskandalosa talaga minsan 'tong bruhang 'to.

"Se, bakit ka kumakain ng ice cream?" bulong niya.

Umirap muna ako bago sumagot. "Takam na takam ako sa ice cream kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko."

"Pero alam mo namang bawal sa 'yo yan 'di ba? Naku! Nasaan na ba ang hilaw mong boyfriend at isusumbong kita..."

Sinimulan na niyang kalikutin ang cellphone niya kaya naman ay dali-dali ko itong inagaw.

"Please, kahit ngayong araw lang. Birthday ko naman eh, palampasin mo na 'to," sabi ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, Serena! Hindi ko alam kung paano ka natagalan ni Fire. Alam mo naman ang kalagayan mo 'di ba? Gusto mo bang gumaling o tuluyan ka nang maba—"

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now