Chapter 7

532 29 0
                                    

Never let go

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Never let go

Kanina pa ako nakatingin sa wristwatch na suot ko. Nanlumo ako nang makitang 10:30 na ngunit wala pa rin si Fire. Sabi niya by 10, susunduin niya ako. Minadali ko pa naman ang paliligo at pagbihis tapos hindi naman pala siya sisipot? Alam ba niyang may klase ako ng ala-una?

Tumunog ang cellphone ko at padabog ko iyong kinuha sa suot kong sling bag. Pangalan ni Fire ang bumungad sa screen. I made a face after. Nag-iisip pa ako kung sasagutin ko ang tawag niya o hindi nang may nagsalita sa likuran ko.

"Hindi mo man lang ba sasagutin ang tawag ko?"

Napalundag ako sa gulat nang sumulpot siya bigla. Muntik pa akong matumba pero agad niya akong nasalo. "Bakit ka ba nanggugulat?"

"Very clumsy. You almost fell." Hindi ko maintindihan kung galit ba ang kaniyang boses o ano. Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon niya dahil blangko ang kaniyang mukha.

Inalalayan niya akong tumayo. Pinagpagan ko naman ang damit kong nagusot. Hawak pa rin niya ang aking bewang kaya ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"S-Sorry, ikaw kasi nakakagulat ka." Nauutal kong sabi.

Gusto kong batukan ang sarili ko pagkatapos kong mautal. Usually hindi naman ako nauutal pagdating kay Fire. Siguro talagang na-conscious lang ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. His breathe fanning my face. I could smell a mixture of chocolate and mint. Parang 'yong kisses na mint.

"You shouldn't fall unless I'm there to catch you."

Napalunok ako sa sinabi niya. Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Bakit iba ang dating sa akin ng sinabi niya? Parang pinapahiwatig niyang 'wag ko siyang mahalin hangga't di niya sinasabing mahalin ko siya. Bakit parang kumikirot ang dibdib ko at nakaramdam ako ng lungkot?

"Serena? Nakikinig ka ba?"

"Ahh, ha?"

"I see. Hindi ka nga nakikinig. I said let's go." aniya.

Hinila niya ako papunta sa nakaparada niyang Subaru. Nagpatianod ako dahil ang isip ko ay lumalakbay pa rin sa mga sinabi niya kanina. Nabalik lamang ako sa katinuan noong mahina niyang tinapik ang balikat ko.

"Hop in," aniya.

Doon ko lamang napansin na pinagbuksan niya ako ng pinto. Kahit nalulungkot man ay nakuha kong ngumiti. Ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko sa simpleng gesture niyang iyon. Sabihin n'yo ng OA ako, eh sa ito ang unang beses na pinagbuksan niya ako ng pinto. Somehow, he's gentleman in his own little way.

"One minute you look sad, then now you're happy. Iba ka talaga." aniya bago guluhin ang nakaayos kong buhok. Sumimangot ako't pabirong hinampas ang kamay niya pero ang hayop tinawanan lamang ako.

"Alam mo ba kung ilang oras kong inayos ang buhok ko? Tapos guguluhin mo lang? E, kung buhok mo kaya ang guluhin ko?" sabi ko at pinasingkit ang pareho kong mata para iparating sa kaniyang hindi ako nagbibiro.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now