Chapter 27

220 17 1
                                    

Stranger

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Stranger

NAGING malapit ako sa mga kaklase ko pagbalik-eskwela. Halos sina Hope ang kasama kong mag-lunch pati na rin sa mga vacant time ko. Magkakasama rin kaming nagr-review para sa darating na midterm.

Naging busy si Fire at ganoon din ako. Puspusan ang practice nila sa basketball dahil pagkatapos ng midtern ay kasunod naman ang U-week. Ako naman naging busy sa pag-aaral at trabaho ko. Medyo napabayaan ko ang pag-aaral ko kaya puspusan talaga ang ginagawa kong pagbawi.

Pagkatapos ng bakasyon ay halos bihira na kaming magkasama ni Fire. Tuwing Sunday dumadalaw siya sa apartment ko. He does extra efforts to catch up what we missed for the whole week. Minsan nanunuod kami ng sine at kumakain ng street foods. Minsan naman naglalaro kami ng PS3 sa condo niya. At tinuruan din niya akong mag-basket kahit paano. Nakakataba ng puso na kahit busy na kami pareho ay nag-eeffort pa rin talaga siya para sa relasyon namin.

Nagkikita pa naman kami sa campus pero hindi na gaano kadalas. Hinahatid at sinusundo pa rin naman niya ako sa trabaho ko ngunit hindi na kagaya ng dati na halos buong araw ay magkasama kami.

Sa ngayon kasi pag-aaral muna talaga ang priority ko. Edukasyon lang talaga ang kaya kong ipagmalaki kaya hindi ko hahayaang mawala 'yon sa akin. I want to make my parents proud at iyon ay kapag hawak ko na ang diploma ko.

Ngayon ko lang naramdaman na mahirap pala talaga pagsabayin ang pag-aaral at pakikipagrelasyon pero wala naman akong pinagsisihan sa mga naging desisyon ko. Both these things made me happy kaya bakit ako magsisisi? Matinding time management lang talaga ang kailangan para mabalanse ang lahat.

"Naku! Pwede ka pang sumama! 10 pm pa naman kami gogora ng club eh. Kung magbago ang isip mo just tell us," ani Thea.

Kanina pa nila ako kinukumbinsing sumama sa club para mag unwind.

Tumango ako at nagpaalam. Agad kong nakita si Fire paglabas ko ng building. Nakasandal siya sa wall ng building at napanguso ako.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko.

Umiling siya at hinawakan ako sa kamay at iginiya sa sasakyan niya. Nakita ko pa ang matatalim na titig ng mga kababaihan sa akin ngunit nagkibit-balikat na lamang ako. Kahit patayin man nila ako sa tingin ay sa akin pa rin naman si Fire.

"Kamusta ang practice niyo?" tanong ko.

Mukha siyang pagod pero nakuha pa rin niyang ngumiti. "It's fine. I want you to watch next time," sagot niya.

Tumango ako at ngumiti. Pinagbuksan niya ako ng pinto at doon ko napansin ang maliit na galos sa kamay niya. Hindi ako pumasok kaya kumunot ang noo niya.

Kinuha ko ang kamay niya at hinaplos ang galos. Nanatili siyang nakatitig noong kunin ko ang band-aid sa loob ng bag ko. Parati ko itong dala in case of emergency.

"Bakit ka may galos?" tanong ko habang nilalagay ang band-aid.

Ngumiti siya bago sumagot. "It's nothing serious, Love. Nasubsob lang 'to kanina sa practice."

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن