Chapter 4

618 34 2
                                    

The Guy next Door

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Guy next Door

"Binilhan kita ng fruits at iba pa. Nilagay ko na dito sa fridge mo." Tumango ako kay Lianne. 

Hindi na ako nagulat sa pagdating niya. Tuwing Sabado talaga ay pumupunta siya sa apartment ko at nagdadala ng mga pagkain.

Naglakad siya palapit sa kinauupuan ko at umupo sa katapat kong couch.

"Se, ano ba kasi ang problema? Tini-text kita pero hindi ka nagr-reply. You got me worried. Now tell me, what's the problem?" Binigyan ko siya ng isang malungkot na tingin bago bigkasin ang pangalang Fire.

Kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari sa pagitan namin ni Fire nitong nakaraang Linggo. Kung paano ako puntahan ni Fire at kung paano siya nagkwento tungkol sa buhay niya sa 'kin at kung paanong hindi ko na siya nakita o nakausap man lang pagkatapos ng pangyayaring 'yon.

Parang bula siyang naglaho. Sinubukan ko siyang kontakin pero nagtitipa pa lamang ako ay natigilan na ako at hindi ko na tinuloy. Ayokong isipin niyang masyado akong pa-importante sa kaniya.

"Hindi ka pa ba nasanay, frn? Parati namang siya ang problema mo, e. Kailan ba hindi?" ani Lianne at pinandilatan ako ng mata. She gestured her hands kaya doon ako napatingin. "You know what? Pwede mo na rin naman itigil ang ugnayan n'yong dalawa. Iyang pagiging sex slave mo kuno sa kaniya." She even quoted the word "sex slave" at umirap na naman.

"I'm not his sex slave!" protesta ko.

"Ako pa ang ginawa mong tanga! Kung hindi ka niya sex slave, ano? FUBU? Come on Serena Alvarez! Baliktarin mo man ang mundo, sex slave pa rin ang dating mo para kay Fire. Nandiyan lang siya kapag kailangan niya ng entertainment at pagkatapos? Iiwanan ka na naman niya? Dapat ikaw ang nang-iiwan, hindi ikaw ang iniiwan. Masasaktan ka lang, Serena, pag pinatagal mo pa ang ganyang set-up n'yo ni Fire."

"Pero alam mo naman na may kontrata kami 'di ba? Kapalit ng scholarship ko ay ang katawan ko." Ngumiti ako nang mapakla sa huling linya. Siguro pag ibang tao ang nasa harapan ko, iisipin no'n na isa akong bayarang babae, pero ano pa nga ba ang pinagkaiba ko sa kanila? "At isa pa, ito na lang ang paraan para makita at makasama ko siya."

"Ang martir mo, girl! Baka gusto mong iuntog kita. Kung sakit lang naman pala ang hanap mo, halika rito at ako na mismo ang sasapak sa 'yo para matauhan ka!"

"Lianne naman, e."

"Seryoso kasi, frn! Ang ganda-ganda mo. Marami ka pang makikilala diyan na mas worth it. Na mas mamahalin ka. Bilang bestfriend mo, gusto ko lang ang best para sa 'yo."

Napalabi ako habang nakatingin kay Lianne. Seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga 'yon.

"Pinapaiyak mo 'ko, e."

Tumawa siya at tumayo. "Halika nga dito!"

Tumayo ako at yumakap sa kaniya. "Nandito lang ako para sa 'yo. Iwan ka man ng mga pesteng lalaking 'yan, nandito lang parati ang maganda mong bestfriend, ha?"

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon