Chapter 26

254 15 0
                                    

New Year

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

New Year

NAKATINGIN ako sa kulay asul na kalangitan. Napaka-kalma ng kalangitan at tila walang problema. Lakad lamang ako nang lakad sa malawak na kapatagan. Tila walang hanggang paglalakad. At sa muling pagsilip sa kalangitan, nabalot ng kaba ang aking dibdib.

The blue skies were gone. The fields were gone. Darkness consumed everything. No stars. No moon. Pure pitch-black.

Para akong hinihila ng kadiliman. I couldn't move my feet. Nangangapa ako sa matinding kadiliman noong may pigurang papalapit sa akin. I feel relieved lalo na noong mamukhaan ko ang pigura.

I run towards the direction, but I was midstruck.

Unti-unti akong umatras palayo sa pigura. Hindi nakaligtas ang kumikinang na bagay na kaniyang hawak sa madilim na kawalan.

Fast as a lightning, the knife was pierced on my heart. Nag-unahang tumulo ang mga luha sa aking mata habang iniinda ang sakit ng nakatarak na punyal sa aking puso.

Matinding sakit ang idinulot ng punyal, pero habang nakatingin sa mukha ng taong kaharap ay balewala ang sugat na dulot nito sa sugat na ginawa niya. Of all people?

"B-Bakit?" unti-unti akong bumabagsak.

Patuloy akong nahuhulog sa matinding kawalan hanggang sa unti-unting tumigil ang tibok ng aking puso.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Kinapa ko ang lamp-shade at sinindi.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit gising na ako, pakiramdam ko ang sakit na dulot ng punyal ay nandoon pa rin.

Kinapa ko ang aking pisngi at may luhang dumadaloy doon. Ang weird!

Dalawang araw nang ganoon ang panaginip ko. Hindi ako pinapatahimik ng bangungot na 'yon.

At isa pang nakaka-frustrate, hindi ko matandaan ang mukha ng taong sumaksak sa akin. Sa panaginip, malinaw ang kaniyang mukha pero tuwing magigising ako ay hindi ko na maalala.

Bumaba ako sa aking kama. Nagtungo ako sa kitchen upang uminom ng tubig. Paniguradong hindi na ako makakatulog nito.

Ilang oras din akong nasa kitchen noong maisipan kong bumalik sa kwarto. Malamig na hampas ng hangin ang agad bumungad sa akin. Ang lamig nito ay nanuot sa buo kong pagkatao. Nakasara naman ang mga bintana at pinto.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Marahil panahon na para bumalik...

Hindi pa sumisikat ang araw noong magising ako. Bandang alas-dos na ako muling nakatulog kagabi kaya halos tatlong oras lang ang tulog ko.

Parang gusto kong bumalik sa higaan noong maramdaman ang malamig na tubig. Nanginginig ako paglabas ng banyo. Nag-ayos ako at ng mga dadalhin. Plano kong umuwi ng Benguet para bisitahin ang puntod ng magulang ko. Pati na rin ang Tiya at Tiyo ko. Halos dalawang taon nang hindi ako nakakabalik sa La Trinidad.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now