Chapter 22

296 25 1
                                    

Almost Fairytale

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Almost Fairytale

"Serena?"

Napalingon ako sa boses na tumawag sa akin at saktong bumungad si Lovely. Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya. Ngumiti muna ako bago bigkasin ang pangalan niya.

"Lovely?"

"Yeah! It's me! Thank God at may nakita na akong kakilala ko," aniya dahilan para kumunot ang aking noo.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"I'll be staying here for good," she paused. "That's why I enrolled here last week. Kaso hindi pa ako familiar sa mga places dito. Can you tour me around?"

Napatingin ako sa wrist watch na suot at may dalawang oras pa akong bakante. Humarap ako kay Lovely at tumango.

Nilibot ko siya sa buong campus at wala naman siyang sinasabi. Tahimik lang siya habang nakikinig at tumatango. Minsan nagsasalita siya pero madalas ay tahimik. Hindi kami gaanong close kaya naman ramdam ang awkwardness sa pagitan namin.

Pagkatapos ko siyang ilibot sa buong campus ay nagpasama siya sa cafeteria.

"Thanks, Serena, ha!" saad niya noong maupo kami. "What do you want to eat? The bill's on me," sabi niya habang nakangiti.

Tatanggi pa sana ako ngunit hinila niya ako patayo. Inangkla pa niya ang kaniyang braso sa akin kaya naman ay nagulat ako.

Parang iba siya sa Lovely na una kong nakilala. Parang ang jolly at ang bait ng Lovely na kasama ko ngayon. Hindi iyong plastic na Lovely.

Pagkatapos niyang bumili ng pagkain para sa aming dalawa ay bumalik kami sa kaninang mesa. Pagkalapag pa lamang ng pagkain ay nagtanong agad siya.

"So! Kumusta na kayo ni Fire?" tanong niya bago kumagat sa kaniyang burger.

Ayoko sanang sumagot pero talagang pursigido siyang malaman ang sagot kaya wala na akong choice kundi sabihin ang totoo sa kaniya.

"Kami na!" tipid kong sagot sabay inom sa coke na hawak ko.

"WHAT!?"

Napabitaw ako sa coke na hawak ko at mabuti na lamang ay hindi iyon natapon. Nakakagulat ang pagsigaw niya kaya naman napatingin ang iba sa direksyon namin.

"I-I mean, kailan pa?" tanong niya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

Binalewala ko 'yon at sumagot, "nitong Sabado lang."

Ako lang ba o talagang awkward i-kwento sa kaniya ang tungkol sa amin ni Fire? May nakaraan silang dalawa at alam kong minahal talaga siya ni Fire at ganoon din siya kay Fire, kaya naman ay parang hindi tama na sabihin ko pa sa kaniya... pero may isang bahagi sa aking gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat para malaman niya ang kaniyang limitasyon pagdating sa boyfriend ko. Mabuti na ang nag-iingat. Sa panahon pa naman ngayon maraming linta.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now