Chapter 34

234 7 0
                                    

Pictures

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pictures

PANAY CLICK ng camera ang naririnig ko mula sa kinauupuan. Tanaw ko ang pagpalit ng pose ng bawat modelo kabilang na doon si Lianne na ngayon ay nakasandal na sa likuran ng lalaking kasama.

"And that's it. 10 minutes break everyone..."

Umalis ang photographer at pumunta naman sa kinauupuan ko si Lianna.

Ngumiti siya. "How was it?"

"I thought you're a pro..." pagpuri ko sa kaniya.

Hinampas niya ako sa balikat kaya't napanguso ako. "Bakit?"

"Pinapalaki mo kasi ang ulo ko, bruha ka!"

Tumawa ako. "Eh, totoo naman kasi. Baka nga in the future maging VS angel ka na rin."

Sabay kaming tumawa pagkatapos. Maya-maya lang ay muling bumalik si Lianne sa set para sa panibagong shoot.

Coming here wasn't bad at all. In fact, it helped me forget about what happened last night.

The other part of me wants to give up but the other part wants to hold on.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa pagitan namin ni Fire. Para akong nakikipaglaro sa apoy. Tuwing lumalapit ako ay napapaso ako... At ayokong napapapaso.

"Saan mo gustong kumain, Se?"

Huminto ako't tumingin kay Lianne. Kasalukuyan siyang nagr-retouch at ako naman ay tinutulungang iligpit ang mga gamit niya. Sasagot na sana ako noong lumapit ang photographer kanina.

"Who is she?"

Nabaling ang atensyon ko sa photograpger na matamang nakatingin sa akin. Nakaka-intimidate ang mga tingin niya kaya hindi ko makuhang ngumiti.

"Kaibigan ko siya, Jack. She's Serena..."

"What a sweet name," sabi ng photographer. "Gusto mo rin bang maging model?"

Gulat akong napatingin sa kaniya. Ako ba ang sinabihan niya? Ako? Model? Parang ang labo yata!

"A-Ako po?" paniniguro ko.

Tumingin ako kay Lianne at nakangiti siya. Ganoon rin ang tinawag niyang Jack. Matamlay akong ngumiti bago umiling.

"I think I don't belong in this field, po!" magalang kong sagot.

"Gano'n ba? Sayang ka, hija." Umikot siya sa likuran ko kaya napaikot rin ako. "Ang ganda mo pa naman..."

Muli akong ngumiti. Para akong naputulan ng dila dahil sa papuri. I am not used to it... Kuntento na ako sa mga simpleng bagay lamang.

"Anyway, I'll give you a call Lianna within this week. "

Tumango si Lianne pagkatapos ay nagpaalam. Nagpaalam din ako tanda ng paggalang.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now