Chapter 24

248 18 0
                                    

Kisses for Make up

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kisses for Make up

"WAG KANG MALIKOT," sabi ko.

"Why?" Nagdududang tanong ni Fire habang nakaupo sa couch ng apartment ko.

"Basta," tipid kong sagot at muling tinuon ang atensyon sa hawak kong sketch pad.

Kanina ko pa sinusubukang iguhit ang maamo niyang mukha ngunit ang likot niya. Hindi ko tuloy makuha ang tamang anggulo.

"Ginuguhit mo ba ako?" Marahil ay napansin nito ang hawak kong sketch pad. Tumango ako bilang tugon.

"Come on, Love. I can give you a picture of me for free." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumabi sa akin.

Napahiyaw ako noong hapitin niya ang aking bewang. Ngayon ay nakakandong ako sa kaniyang hita at nakabukaka, habang kulong-kulong naman niya ang aking katawan sa matigas niyang bisig.

"We can do a lot of things today."

Napasinghap ako sa paglapat ng kaniyang labi sa gilid ng aking tenga, kinagat at dinilaan niya iyon bago bumaba sa aking leeg. Naka-sando lamang ako kaya naman ay madali niyang nagawa ang gusto.

Noong mapagod sa aking leeg ay bumaba ang labi nito sa pagitan ng aking dibdib. Napakagat labi ako habang pinapaulanan niya ito ng mumunting halik.

I could feel the burning sensation it sent to my whole body. Ang pagragasa ng libu-libong boltahe ng kuryente sa aking katawan. My skin became sensitive to his every touch. And I need to end it.

"Stop it, Fire!" paos kong sabi.

Tinanggal ko ang pagkapulupot ng kaniyang braso sa aking katawan at umupo ng maayos sa tabi niya. Mahirap na at baka saan pa kami mapunta.

"What? You even seduced me while we were in the villa, but now? Masama bang iparamdam ko sa'yo ang pagmamahal ko?"

Mariin akong napapikit habang bumabalik sa isipan ang nangyari sa villa. It's almost a week at tuwing pinapaalala niya iyon ay gusto ko na lamang lamunin ng lupa.

"Pagod ako, Fire. At may trabaho pa ako mamaya."

"Okay! You're always like that," sagot nito. "Just go to your work already." Ramdam ko ang tampo sa boses niya kaya naman ay lalambingin ko sana siya ngunit huli na, dahil nakatayo na siya at naglalakad patungong pinto. "I'll leave first, take a rest!"

Napalunok ako sa lamig ng boses niya. His eyes turned gunmetal at bago pa ako makasunod sa kaniya ay malakas niyang binalibag ang pinto.

Naiwan lamang akong masama ang loob dahil sa inasta niya. Ganoon ba siya kagalit dahil hindi ko siya pinagbigyan? Huli naming ginawa iyon ay noong nasa villa pa kami, noong makabalik ay parati na akong busy sa pag-aaral at trabaho.

Hindi ba niya naisip na pagod lang talaga ako? Binibigay ko naman ang lahat ng gusto niya, pero bakit ako hindi niya kayang pagbigyan? Bakit ganoon, Fire? Dahil lang doon, nagalit ka? Ang labo!

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now